Advertisers
INIHAYAG ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na anim (6) na rockfall events ang naitala sa Mayon volcano mula 12:00 ng Linggo ng umaga hanggang 12:00 ng Lunes umaga iniulat ng Phivolcs.
“Batay sa 24-hour monitoring as of midnight, December 15, 2025, walang naitalang volcanic earthquake. Pero mayroon tayong anim na rockfall events at may weak crater glow na makikita lamang sa telescope,” ayon sa Phivolcs.
Sinabi ng Phivolcs na ang Mayon ay naglalabas ng average na 307 tonelada ng sulfur dioxide kada araw noong Disyembre 10.
Kaugnay nito nabatid pa sa Phivolcs na dahil sa kasalukuyang estado ng bulkan, sinabi ng bureau na nananatiling may bisa ang Alert Level 1. Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang agarang banta ng pagsabog.
Samantala sinabi pa ng Phivolcs noong nakaraang linggo, iniulat ng Phivolcs na ang mga spines ng dark lava ay naobserbahang umuusbong mula sa summit lava dome ng Mayon Volcano, na nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng bago, mababaw na magma sa loob ng edipisyo.
Idinagdag pa ng Phivolcs na nanatiling nasa ilalim ng Alert Level 1, ang bulkang Mayon at ang pagpasok sa 6-kilometrong radius ng permanenteng danger zone at ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid na malapit sa bulkan ay mahigpit na ipinagbabawal. (Boy Celario)