Advertisers

Advertisers

Tatlong mahahalagang panukalang batas, naaprubahan na sa 3rd at final reading!

0 64

Advertisers

Tatlong panukalang batas na may direktang epekto sa serbisyong panlipunan, kabuhayan ng pamilya, at pangangalaga sa kalikasan ang tuluyan nang naaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa sa House of Representatives.

Pinakamahalaga rito ang House Bill No. 6636 o ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Act, na pangunahing inakda ni Rep. Jesus “Bong” Suntay. Ang panukala ay nakakuha ng 270 boto pabor, 8 tutol, at 2 abstentions, patunay ng malawak na suporta ng Kamara para sa institutionalized at standardized na ayuda para sa mga Pilipinong dumaraan sa krisis.

Sa HB 6636, layong gawing mas malinaw, patas, at hindi politisado ang pagbibigay ng tulong para sa gamot, ospital, pagkain, pamasahe, burial assistance, at iba pang agarang pangangailangan. Tiniyak ng batas na ang tulong ay karapatan ng mamamayan, hindi pabor na ipinagkakaloob.

Naaprubahan din sa ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill No. 6614, na naglalayong palawigin pa ang Estate Tax Amnesty, na nakakuha ng 280 votes. Ang panukalang ito ay isinama ang orihinal na panukala ni Rep. Suntay sa HB 2885, upang bigyan ang mas maraming pamilyang Pilipino ng pagkakataong maisaayos ang estate tax nang hindi nababaon sa penalties at surcharges.

Bukod dito, pumasa rin sa ikatlong pagbasa ang House Bill No. 6683 o ang Waste Treatment Technology Act, na isinama ang HB 5714 ni Rep. Suntay. Layunin ng batas na itaguyod ang makabago at environment-friendly waste treatment technologies bilang bahagi ng pangmatagalang solusyon sa solid waste management at climate resilience ng bansa.

Para kay Rep. Suntay, ang pag-apruba ng tatlong panukalang batas na ito ay malinaw na hakbang tungo sa mas makatao, mas responsableng pamahalaan:

“Kapag maayos ang tulong sa krisis, magaan ang proseso sa pamilya, at may malasakit sa kalikasan iyan ang batas na tunay na nagsisilbi sa tao. (Cesar Barquilla)