Advertisers
TAPOS na ang aking pangatlong aklat. Naimprenta na ang mga kopya nito at maaari nang mabili sa Popular Bookstore at Baybayin Book Trade. Dahil ang aking pangatlong aklat ay revised and updated edition ng aking unang aklat, pareho lang ang pamagat at pagkakakilanlan “KILL KILL KILL Extrajudicial Killings in the Philippines; Crimes Against Humanity v. Rodrigo Duterte Et. At.” Idinagdag ko ang mga katagang “Revised and Updated edition” upang bigyan diin na natapos ito ngayong taon.
Halos dalawang taon kong binuno ang aking unang aklat. Sa tulong ng isang tanging kaibigan, natapos ko ito noong Setyembre, 2023. Maraming nangyari sa nakaraang dalawang taon kaya idinagdag ko ito sa pangalawang edisyon. May 11 tsapter ang unang aklat. May idinagdag akong pitong tsapter upang maging 18. Sama-sama ang lahat na ito sa huling edisyon.
Layunin ng aking huling aklat na idokumento ang marahas at madugo pero bigong giyera kontra droga ni Gongdi upang hindi na maulit ang madilim na kabanata sa ating kasaysayan. Dalawang taon kong isinulat ang una aklat. Halos isang taon ang ang ikalawa.
Noong kasagsagan ng lockdown, tumambad sa akin ang katotohanan tungkol sa digmaan kontra droga ni Gongdi. Hindi napigil ni Gongdi na itago na hindi digmaan kontra droga ang kanyang programa kundi digmaan laban sa mga “marurumi ang paa,” o mga mahihirap. Isinulat ko ang mga detalye upang masabi ko na peke ang digmaan kontra droga ni Gongdi.
Hindi nangahas ang aking aklat ng magbigay ng mga solusyon sa usapin ng droga o mangaral na parang alagad ng Simbahan sa pulpito. Isiniwalat ko ang maraming detalye sa giyera kontra droga ni Gongdi. Binigyan ko ng kaukulang pansin ang sakdal na crimes against humanity na magkahiwalay na inihain ni Sonny Trillanes at Gary Alejano ng Samahang Magdalo, National Union of People’s Lawyers (NUPL), Rise Up for Life, IDEALs, at iba pa sa International Criminal Court (ICC), ang pandaigdigang hukuman na binuo ng Rome Statute.
Pinagtiyagaan kong galugarin ang isyu ng droga, ang epekto sa lipunan, at ang sakdal na dinala sa ICC. Hindi ako nangimi na talakayin ang isyu sa kabuuan at sabihin ng tahasan na isa itong malaking kabiguan. Walang nangyari sa digmaan kontra droga ni Gongdi kundi patayin ang mga pinaghihinalaang adik at trader ng droga at pilayin ang kabuhayan ng maraming mahirap at naghihikahos na pamilya. Walang napala ang bansa sa giyera ni Gongdi.
Aking tinalakay kung paano ginamit ni Gongdi ang PNP bilang isang institusyon upang durugin ang mga mahihirap. Nagpagamit ang PNP sa tulong ng mga heneral at iba pang opisyal sa walang habas na patayan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit maraming opisyal ng PNP ang nahaharap sa sakdal na crimes against humanity sa ICC.
Isang tsapter ang tungkol kay Leila de Lima, pinakaprominente sa mga inapi sa walang saysay na giyera kontra droga. Isinalaysay ko ang kalbaryo ni Leila sa kamay ng isang mapang-aping pangulo. Ikinuwento ko kung paano nag-umpisa ang sakdal na crimes against humanity laban kay Gongdi at mga kasapakat. Kasama sa kuwento ang lihim na pagbisita ng prominenteng mambabatas ng European Union na humikayat kay Sonny Trillanes na isakdal si Gongdi sa ICC.
Sa bagong aklat, ginugol ko ang isang buong tsapter upang ikuwento ang mga detalye ng pagdakip kay Gongdi at paglipad sa kanya sa punong himpilan ng ICC sa The Hague, Olandiya. Dalawang tsapter ang tungkol sa paglabas ng QuadCom upang talakayin ang usapin ng droga sa bansa at mga EJK. Tinutukoy nito ang mga may pananagutan.
Sa bagong aklat tinalakay ko ang pagbasura ni BBM sa polisiya ni Gongdi sa droga at pagtanggi niya na gawing “drug czar” si Gongdi. Isinulat ko rin ang pagbaligtad ni BBM sa mga polisiya na kampi sa China at ang muling pagbabalik ng bansa sa doktrina sa depensa sa ilalim ng Estados Unidos. Hindi naging pro-China si BBM
Maraming detalye ang aking isinama na nangyari sa sumunod na dalawang taon. Kasama rin ang desisyon ng ICC na ituloy ang proseso kahit panay ang petisyon ng kampo ni Gongdi na palayain siya. Hindi pinakinggan ng ICC ang kampo ni Gongdi kahit ano pa ang gawin nila. Sa mga nais magkaroon ng kopya ng aking aklat, makipagtalastasan sa aking anak na si Anne Lustre sa 0967 236 3051.
***
MAYROON kaming narinig na balita na maaaring hulihin si Tricky Tsis at dumiretso sa kulungan. Siya umano ang kauna-unahang senador na hihimas ng rehas ngayong Kapaskuhan. Inaasahan namin iyan ngayon o kinabukasan. Magandang balita ito sa sambayanan.
***
MGA PILING SALITA: Mahirap si Boy Abunda. He’s neither fish nor fowl. Kahit siya hindi niya alam kung saan lilinya: showbiz at chimis o serious topic. Hindi nagsusulat. si Boy A. Pang TV talk show lang. Subukan niyang magsulat kung saan ang lahat ay puede siyang mabasa… Lalagariin siya, o kakatamin. Magugulpi siya. Pseudo-intellectual lang kasi.” – PL, netizen, kritiko
“Ang isa sa gusto kong ma-address kaya ako naghain ng panukalang amyendahan ang social pension for senior citizens ay yun disqualification ng mga SSS at GSIS pensioners. Una, hindi na makatotohanan ang halagang natatanggap sa SSS at GSIS pension kumpara sa daily at medical expenses kapag naging senior citizen ka na. At mas mahalaga para sa akin – why are we penalizing those who worked and supported themselves during their youth? It is unfair to penalize those who contributed to the nation through taxes while they were working. Excluding them from the social pension is discriminatory. We need to amend that.” – Rep. Miro Quimbo of Marikina City