Advertisers

Advertisers

Ex-policewoman naglustay ng pondo, timbog

0 19

Advertisers

Arestado ang 29-anyos na policewoman na nagtatago, na matagal ng nakatala na absent without official leave, o AWOL, wanted sa kasong malversation of government and funds and poperty, sa Barangay Poblacion 5, Cotabato City, Huwebes ng gabi, December 25.



Kinumpirma nitong Bi-yernes ng mga barangay at city officials na tumulong sa pagkasa ng naturang law-enforcement operation na nakapiit na sa isang police detention facility ang 29-anyos na si Parizza Piang Guialudin, lilitisin sa korte sa kasong malversation, o paglabag sa Article 217 ng Revised Penal Code, kaugnay ng kanyang diumano paglustay ng pondo at mga supplies na ipinagkatiwala sa kanya ng kanilang unit.

Ang nakadetine ng si Guialudin dating kasapi ng Regional Drug Enforcement Unit na nasa operational control ng PRO-BAR na ang regional headquarters ay nasa Camp SK Pendatun sa Parang, Maguindanao del Norte.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Biyernes nila Col. Jibin Bongcayao, Cotabato City police director at ng kanyang immediate-superior, si Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng PRO-BAR, natunton ang suspect sa isang lugar sa Rajah Tabunaway Boulevard sa Barangay Poblacion 5 sa tulong nga mga barangay at city officials na unang nakatanggap ng ulat hinggil sa kanyang presensya doon.

Ayon kina Bongcayao at De Guzman, kusang loob ng nag-paaresto ang matagal ng AWOL na policewoman ng dumating sa kanyang kina-roroonan ang mga magkasanib na mga tropa ng PRO-BAR, ng mga operatiba mula sa Cotabato City Police Office at Cotabato City Police Station 1 at ng Cotabato City Mobile Force Company upang hai-nan siya ng warrant of arrest kaugnay ng kasong violation of Article 217 ng Revised Penal Code.

Ang warrant of arrest para kay Guialudin ay mula sa Regional Trial Court Branch 14 sa Cotabato City, may lagda ni Judge Ashrafia Aymee Biruar, may petsang December 17, 2025.

Nagtakda ng piyansang P120,000 ang korte para sa pansamantalang paglaya ni Giualudin na may kinakaharap ding hiwalay na administrative case sa Philippine National Police.