BAGMAN NG MPD-PS11, KALAHATING MILYONG PISO HINIHINGI SA KADA PWESTO NG NAGTITINDA NG PAILAW AT PAPUTOK
Advertisers
KALAHATING MILYONG PISO o’ P500,000 ang HINIHINGI umano ng BAGMAN NG Manila Police District (MPD-PS11) sa kada pwesto ng NAGTITINDA ng PAILAW at PAPUTOK sa kanilang hurisdiksiyon at nasasakupan.
Ito ang sinabi ng mga NAGTITINDA ng nasabing mga kalakal partikular na sa kahabaan ng CM Recto Avenue.
Mas higit pa daw sa kanila ang kikitain ng enkargado ng MPD-PS11 na kinilala nilang Isang TATA CONWEE na wala man lang daw puhunang nilabas.
Maliban sa may mga pwesto, P5,000 naman anila ang HINIHINGI nitong si Tata CONWEE sa mga karaniwang vendor araw-araw.
Malupit daw masyado itong si CONWEE ngunit wala daw silang magagawa sa ginawang patakaran nito kundi ang sumang-ayon.
Maski daw papaano ay sumugal na rin sila at nakipagpustahan sa anumang sasapitin ng kanilang pinasukang negosyo.
Lumalabas anila na mahigit Isang buwan lang ang pwesto nilang binabayaran ng KALAHATING MILYONG na nag-umpisa matapos ang PASKO at magtatapos sa Enero 1,2026.
Sinangguni na rin daw nila ang kanilang problema sa kung kani-kaninong mga tao ngunit wala rin daw magagawa ang mga ito dahil super lakas daw itong si CONWEE sa mga kina-uukulan.
Sobrang lakas daw nitong koneksiyon nitong si Tata CONWEE lalo na sa station commander ng mpd-ps11 na si col. Villanueva, gayundin daw sa MPD District Director na si Gen. Abad at may konting Asim din daw Kay Yor-me Isko Moreno.
Sinabi NG MGA NAGTITINDA NG MGA lusis at PAPUTOK na pipilitin na lang daw nilang mabawi at kumita kahit konti para sa kanilang pamilya.
Seasonal lang naman itong negosyong ito na Minsan lang nagaganap sa loob ng isang taong at talagang suwertihan lang kundi maiinsulto.
Ganon pa man ay dina-dalangin pa rin nila na harinaway babaan nitong si Tata CONWEE ang tarang HINIHINGI nito para naman happy rin daw sila kahit papaano sa darating na Bagong Taon.