Advertisers

Advertisers

LIHIM NI SARA NABUNYAG

0 95

Advertisers

INILIHIM ni Sara Duterte na sangkot siya sa mga ilegal na fund insertion sa budget ng DPWH. Ang hindi tama ay nagmalinis na parang anghel na bumaba sa lupa. Iyon pala ay demonya na nagkatawang tao upang maghasik ng lagim sa sambayanang Filipino.

Hindi maaaring “magmalinis” si Sara sa isyu ng pagsingit umano ng P1 bilyon sa budget ng DPWH, ani Deputy Minority Leader Antnio Tinio ng ACT Teachers Party List sa isang pahayag. Lumabas ang punto sa tinaguriang “DPWH leaks” na nag-uugnay sa kanya, Kin. Paolo Duterte ng Davao City, at dating tagapagsalita Herminio “Harry” Roque Jr. at sa iba pang matataas na opisyal sa mga alokasyon noong panahon ng administrasyon ni Rodrigo Duterte na nakakulong ngayon sa piitan ng ICC sa Olandiya.

“Sa wakas, may lumabas na ring impormasyon mula sa DPWH tungkol sa mga alokasyon at singit sa budget sa panahon ng Duterte administration,” ani Tinio. “Hindi dapat magmalinis si Sara Duterte dahil mayroon din siyang maraming singit na proyekto sa DPWH bilang alkalde ng Davao City. Dapat niya itong panagutan at dapat ding imbestigahan.”

Iniulat ng Bilyonaryo News Channel (BNC) na may 16 line items na sinasabing nagkakahalaga ng kabuuang ?1 bilyon ang mga proyektong hiniling umano ni Sara na isama sa 2020 budget ng DPWH noong siya ay alkalde pa ng Davao City. Ani Tinio, hiwalay ito sa P51 bilyon na alokasyon na napunta umano kay Kin. Paolo Duterte ng Davao City. Kinumpirma ang P51-B alokasyon kay Polong ng yumaong DPWH Undersecretary Cathy Cabral.

“Labas pa ito sa P51 bilyon na napunta kay Pulong na unang kinumpirma ng yumaong Usec. Cabral,” dagdag ni Tinio. Binanggit ng mambabatas na hindi nakapagtataka kung bakit, ayon sa kanya, ay nakapag-request ng malaking halaga ng mga proyekto ang ilang miyembro ng pamilya Duterte at mga opisyal ng Malacañang noong panahong sila ang nasa kapangyarihan.

“Hindi kataka-taka na ang pamilya Duterte at mga opisyal ng Malakanyang tulad ni Harry Roque at maging si Bong Go na kontraktor pa nga ang kumabig nang malaki noong sila ang nasa poder,” ani Tinio. Ayon sa kanya, sa panahong ito nagsimula ang tinawag niyang “walang kapantay na pandarambong” sa DPWH budget.

“Totoong nagsimula ang walang kapantay na pandarambong sa DPWH budget sa panahong ito kaya dapat lang na saklawin ng imbestigasyon ang mga taong 2016 hanggang 2022 at panagutin din ang mga opisyal sa panahong iyon,” ani Tinio. Nanawagan ang mambabatas ng isang komprehensibo at patas na imbestigasyon upang matukoy ang pananagutan ng mga sangkot at matiyak na may mananagot sa umano’y mga anomalya sa pondo ng bayan.

Base sa ulat ng BNC, ang impormasyon ay nanggaling sa umano’y tinaguriang “DPWH leaks,” o mga dokumentong nakuha ng BNC na naglalaman ng listahan ng mga proponent o sponsor ng mga proyektong isinasama sa budget proposal ng ahensiya. Ayon sa BNC, line item sa DPWH budget proposal na ipinapasa at tinatalakay sa Kongreso bago maging General Appropriations Act (GAA).

Sa pananaliksik ng BNC, nasa 2020 GAA ang lahat ng sinasabing 16 requested projects umano ni VP Duterte. Kabilang dito, base sa ulat, ang dalawang nakapangalan umano kay Mayor Sara Z. Duterte / RD Allan Borromeo ng Region XI. Ayon sa ulat, road projects ang lahat ng line items kung saan 15 ang nasa Davao City at isa naman sa Davao del Sur.

Iniulat rin ng BNC na mayroon rin umano ang 16 na line item projects kay Davao City Rep. Duterte na sinasabing nagkakahalaga ng mahigit P764 milyon kung saan 14 ang pumasok umano sa GAA. Nalaman rin sa ulat na dalawa sa apat na proyekto na nasa pangalan ni Roque at nagkakahalaga ng tig-P2 milyon bawat isa ang nasa GAA. Sinabi sa ulat na ang apat na requested items ay matatagpuan sa Ifugao, Batangas, Cavite at Laguna.

Hinihintay pa ng ang tugon ng mga Dutertes at Roque sa isyu.
*
INUTIL ang mga nagpapanggap ng environmental group sa Zambales. Habang kinakamkam ng Tsina ang malaking bahagi ng West Philippine Sea, iba ang tinatahulan ng mga nagkukunwaring environmental group sa Zambales.

Hindi nag-atubili si Kin. Jeff Khonghun na manguna sa pagbatikos sa Tsina sa pangangamkam ng ating karagatan na pinupuntahan ng mga mangingisda ng Zambales. Tahasan niyang ipinahayag ang makabansang adhikain na ang kinakamkam ng Tsina.

Habang ngayon, mga walang silbi ang mga environmental group na ito. Kunsabagay, hindi sila tinatanggap ng lalawigan ng Zambales bilang lehitimong tagapangalaga ng kaligiran. Hindi sila sineseryoso dahil puro lang sila ingay na walang kapararakan. Pinangungunahan sila ng isang palalong galing umano sa media.

***

Email:bootsfra@gmail.com