Advertisers

Advertisers

ILANG SOCIAL MEDIA INFLUENCERS NA DATING DAWIT SA SCAM KATUWANG NG PAMAHALAAN SA INFORMATION DRIVE

0 13

Advertisers

Isiniwalat ng pamahalaan na ilang influencers na dating nadawit o naging biktima ng scam ang ngayon ay katuwang na ng gobyerno sa information campaign.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, sinabi ni Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) Usec. Aboy Paraiso na kabilang dito ang financial expert na si Chinkee Tan at iba pang online personalities na tumutulong sa pagpapalaganap ng kaalaman laban sa scam at illegal online gambling.

Nagbabala rin ang opisyal laban sa lumalaking banta ng AI-generated deepfakes na ginagamit sa panlilinlang.

Ayon kay Paraiso, gumagamit na ang ahensiya ng detection tools gaya ng Aletheia at pinaplano ang real-time monitoring ng social media upang agad na matukoy at mapatanggal ang mga pekeng video at audio.

Binigyang-diin pa ni Paraiso na ang lumalaking bilang ng tumatawag sa hotline 1326 ay patunay ng tumitibay na tiwala ng publiko sa CICC.

Dagdag pa ng CICC official, pangunahing aral ngayong 2025 ang kahalagahan ng tiwala—mula sa mamamayan, mga ahensya ng gobyerno, at pribadong sektor—sa epektibong laban kontra cybercrime. (Gilbert Perdez)