Advertisers
Ni Anne Venancio
MISMONG ang ina ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang nagkumpirma ng kasal nito sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Dr. Reginald Santos base sa post nito sa Instagram na may caption na “Reg & Carla” sa pamamagitan ng intimate ceremony sa Tagaytay, na dinaluhan lamang ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Base sa mga report, si Dr. Santos ang unang naging karelasyon ng aktres bago pa ito pumasok sa showbiz. Nagkahiwalay man noon, muli namang nagkrus ang kanilang landas na nauwi sa pagbabalikan matapos kumpirmahin ng aktres noong Agosto na inlab nga siya.
Matatandaang ikinasal ang aktres kay Tom Rodriguez noong Oktubre 2021 pero tumagal lamang ng ilang buwan ang kanilang pagsasama at nauwi sa divorce noong 2022 at kinilala ng korte sa Pilipinas noong Hunyo 2024.
Samantala, kasabay ng kasal ni Carla, nanalo naman si Tom bilang Best Supporting Actor sa MMFF 51 Gabi ng Parangal para sa kanyang pagganap bilang Stephen sa pelikulang UnMarry, sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.