Advertisers

Advertisers

Viral: Lalaki nagpaputok ng ‘toy gun’ sa Bagong Taon

0 20

Advertisers

Viral ngayon ang isang lalaki na nagpaputok ng baril na aniya’y “laruan lang” sa pagsalubong ng Bagong Taon.



Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Pol Omani ang pagpapaputok niya ng baril kasabay ng ingay ng fireworks sa karatig-lugar.

Matapos ikasa, itinutok ni Omani ang baril sa langit at saka sunod-sunod na pinaputok na aabot sa pitong beses.



Sa hiwalay namang Facebook post, sinabi ng uploader na “laruan lang po ito” kasabay ng larawan ng itim na umano’y toy gun.

Batay rin sa isa pang ibinahaging post ni Omani, hindi ito ang unang pagkakataon ng kanyang pagpapaputok ng baril dahil ginawa rin niya ito sa pagsalubong ng taong 2025.