Advertisers

Advertisers

Naghahanda na para sa 2028

0 92

Advertisers

BAGAMA’T malayo pa ang 2028 Presidential Election ay halagang naghahanda na ang mga naghahangad na pamunuan ang bansa pagkatapos ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr.

Obkors may pambato na ang oposisyon, si Vice President Sara Duterte-Carpio, na kahit anong sama ng performance nito sa pagiging bise presidente ay nangunguna parin sa mga survey.

Pero napatunayan sa mga nakaraang eleksyon sa pagkapangulo, maliban kay PBBM, mostly ng maagang nangunguna sa mga survey ay natatalo. Hehehe…

Sabi naman ng batikang mamamahayag na si Ramon Tulfo, kapag si Sara ang maging presidente, tiyak sira ang Pilipinas. Araguy!!!

Kung bakit nasabi ni Mon ito, kaso nga si Sara ay talagang mahina ang kukute pagdating sa pamamahala at serbisyo publiko. Kita n’yo naman puros katiwalian ang nangyari sa kanyang mga hinawakang tanggapan. Napakalaking pondo ng publiko ang kanyang nawaldas, na hindi niya maipaliwanag kung paano nawaldas. Hindi kasi siya nag-iisip eh… ang pinaiiral niya ay ang kanyang popularidad sa masa. Mismo!

Sa kabilang banda, ang administrasyon ay mukhang wala pang napupusuan na ilalaban. Dahil ang balita noon na ikakasang kapalit ni PBBM na pinsan niyang si dating House Speaker Martin Romualdez ay isinusuka na ng publiko.

Mabuti pa ang orihinal na oposisyon ay may mga pinagpipilian nang itapat sa Duterte, alin kina Senador Risa Hontiveros, Sen. Bam Aquino at ex-VP Leni Robredo.

May balitang Risa-Bam o Bam-Risa, Leni-Bam, Leni-Risa o Bam-Leni.

Para naman sa political analyst na si Ronald Llamas, pinakamatibay na maging tandem ay Leni-Bongbong. Tapos na raw ang laban kapag ito ang nag-tandem sa 2028. Ganun?

Pero kung ako ang tatanungin, gusto ko ang Bam-Leni o Bam-Risa. Kukunin ko nalang para senador si Bongbong.

Say n’yo mga pare’t mare?

***

Kinukulit ngayon ni dating Senador Antonio Trillanes ang Independent Commission for Infrastructures (ICI).

Hindi pa kasi iniimbestigahan ng ICI ang P51 billion ‘pork barrel’ ni Davao City Congressman “Pulong” Duterte, anak ni ex-President Digong; at ang bilyones na kontratang nakorner ng kompanyang nakapangalan kay Sen. Bong Go sa Davao City.

Ang naturang kompanya ay nakakuha ng bilyones na kontrata noong mayor si Digong ng Davao City hanggang maging presidente ng bansa.

Si Bong Go ang “little mayor” ng Davao City noong mayor si Digong, at naging Special Assistant to the President (SAP) nang maging pangulo si Digong.

Anyway, sinampahan na ng reklamo ni Trillanes ang pamilya Duterte sa Ombudsman. Ito’y kaugnay sa “hidden wealth” ng mag-aama, kungsaan may mga joint acccount ang mga ito na naglalaman ng daan-daan milyong piso, na ayon sa dating senador ay galing sa iligal na droga at POGO.

Pangulo si Digong nang mamayagpag ang mga iligal na POGO sa Pilipinas, at naghari-harian ang mga drug lord na sina Michael Yang, Peter Lim. Sammy Uy, at marami pang Intsik na may mga kasong droga.

Ang mga reklamong ito ay hinihimay na ngayon ni Ombudsman “Boying” Remulla. Subaybayan!