Advertisers
KAMALASAN ang inabot ng isang negosyante na tinamaan ng kanyang sariling armas na aksidenteng pumutok habang nakikipag-inuman sa mga kaibigan sa Barangay Lucsuhin, Calatagan, Batangas nitong Sabado.
Ayon sa Calatagan Municipal Police Station, 8:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa bahay ng biktima.
Batay sa salaysay ng 54-anyos na biktima na kinilalang si Emil, nakasukbit sa kanyang baywang ang isang converted improvised caliber .22 handgun nang ito ay pumutok.
Tinamaan ang biktima sa bahagi ng kanyang ari.
Isinugod ito sa Calatagan Medicare Center kungsaan siya nilapatan ng lunas.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente, kabilang ang ulat na itinapon umano ng biktima ang nasabing baril sa ilog sa Barangay Lucsuhin.(Koi Laura)