Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang diumano’y pag-unfollow ni Bea Borres sa kanyang bff na si Andrea Brillantes .
Umani ito ng samu’t-saring reaksyon sa mga katkatera at sawsawera .
Hirit ng mga nagmamarisol , hindi raw boto si Bea sa bagong rumored boyfriend ni Blythe na galing sa buena familia.
May mga nang-iintriga pang baka may nakita raw red flag si Bea sa dyowa kaya in-unfollow nito ang aktres.
Ito ang ilang hirit ng kibitzers.
“Feeling ko, di siya boto sa bagong dyowa ni Blythe.”
“Baka naman, may naamoy na red flag sa guy.”
“Alam ko, mahal ni Bea si Blythe.Ayaw lang niyang maging labandera ng dirty laundry si Blythe.Hahaha.”
“Naku, ganyan naman talaga ang ugali ni Bea.Mahilig siyang mag-unfollow with no apparent reason lalo na kung may S siya.”
“So, inalmahan niya ang bagong bf ni Andrea? What’s the tea?”
“I smell something fishy.May mabigat na dahilan para i-unfollow niya ang kanyang bff.”
“Kung may tampuhan man sila, pasasaan ba’t magkakaayos din sila.”
“Knowing Blythe , ayaw paawat ni teh pag luma-lovelife.”
“Si Blythe kasi stubborn din, since maging independent.”
“Bea to Blythe:Wag ka ngang iiyak-iyak sa akin.I’ve told you before pero di ka nakinig.”
As of late, may tsika namang ang tunay na dahilan kaya nagkaroon ng falling out ang magkaibigan ay dahil sa dating presidential daughter na si Kitty Duterte.
Bukas naman ang pitak na ito sa panig nina Andrea at Bea hinggil sa kontrobersya.