Advertisers

Advertisers

KAPALARAN NI AIKO AT IBANG CELEBRITIES NGAYONG 2026

0 26

Advertisers

Ni Beth Gelena

Sa YouTube Channel ni Aiko Melendez ay naging guest niya ang isang fortune teller na si Jay Costura.

Ayon kay Costura, ang year 2026 ay Year of the Horse and fire kaya kung ang usapin ay tungkol sa politics, sa ngayon daw ay hindi pa rin daw ito matatapos dahil sa elements of the fire at mabilis din daw ang horse kaya matinding labanan ang mangyayari kailangan daw ay mabilis ang pagkilos kasi maraming nagaganap like ang eruption ng volcanoes kaya kailangan paghandaan din.

Tanong naman ni Aiko, ano naman daw ang dapat gawin para maging maingat sa pera “kasi madaling maubos yun.”

Ayon sa fortune teller, ang 2026 kasi mas marami raw ang lilitaw na scammers kaya dapat maging maingat at mapanuri sa bawat transaksyon na gagawin.

Hinggil naman daw sa love and career, sinabi niyang marami pa rin daw mga third party’s issues, marami rin daw pregnancies na magaganap at maraming marriages ang masisira.

Pinasok naman ng actress kung ano ang nakikita niya sa showbiz?

Aniya, “sa showbiz may nakikita akong isang aktres na nagsa-suffer sa isang sickness na nararamdaman niyang mula sa tiyan pababa. Isa siyang beteranang aktres.”

May nakikita ka rin bang lovelife na uusbong na hindi mo aakalaing na sila?, tanong pa ni Aiko.

“Well, wala pa akong nakikitang lovelife na biglang uusbong, pero lovelife triangle marami,” wika ng FT.

Hinggil naman sa mga nakikita niyang mga artista na mangyayari sa kanilang career ngayong 2026.

Andrea Brillantes, “sobrang palaban, hindi nawawala sa batang ito ang karakter niya mas lalo siyang uusbong, ingatan lang din kasi isa rin siya na nakikita ko sa love triangle angle.”

Maris Racal: “si Maris siya ang tinatawag na strong personality but may soft inside. Kailangan niyang Pag-isipan ang bawat desisyon niya kasi may pagka childish pa siya. May pagka-immaturity pa yung mga galaw niya minsan.”

Marian Rivera at Dingdong Dantes: “Power couple sila talaga. Pero mag-ingat lang din. Sa nararamdaman ko talaga hindi naman sila masasali sa may third issues. I can say kasi na very hands on si Marian sa kanilang kids. Sa nakikita ko sa couple na ito strong ang kanilang pagsasama this 2026.”

Nakikita rin daw niya na nakalinya sa politics si Dingdong this coming years.

Vice Ganda: “Ganun pa rin siya. Marami ang may gustong magpabagsak kay Vice. Matalino siyang nag-isip. Worried lang ako sa health niya kasi nararamdaman ko ang pangangasim ng sikmura niya. Siguro sa sobra na ring pagod. At I could say na may lungkot sa kanyang mga mata. Mabilis siyang tamaan ng stress at anxiety.”

Anne Curtis: “Anne Curtis yan so walang kupas. I can feel it na may offer siya out of the country. International offer na baka papasukin niya.

Nadine Lustre: “Medyo mahina ang energy niya sa pagpasok ng 2026, pero magiging busy siya sa pagtatayo ng negosyo. Mas magpofucos siya not really sa lovelife but sa businesses.”

Bea Alonzo: “Nakikita ko na magiging kumplikado pa rin ang lovelife niya.”

Hirit ng aktres, “mukhang masaya siya ah.”

FT: “I’m hoping na masaya siya. Isa rin kasi siya sa nakikitaan ko na softhearted, mabilis magtiwala, all out kasi siyang magmahal. Nakakatakot din kasi siya pag nasaktan kasi pag ayaw niya..ayaw niya.”

Piolo Pascual: “wala pa akong nakikitang lovelife sa kanya, pero active pa rin siya sa showbiz. May teleserye siyang gagawin”

Kathryn Bernardo, ‘may lovelife ba siya?’: “I can say na meron dahil masaya siya. Tahimik ang karera niya, pero marami siyang pasabog ngayong taon na ito. I can say na masaya ang bata ngayon, blooming at may lovelife siya.”

Kaila Estrada at Daniel Padilla: “I can say na sana maganda kung ano ang meron sila. Nakikita ko na sunud-sunod naman…nakikita ko na magiging busy sila sa kanilang upcoming projects.

” Sa tingin mo magtatagal sila?” tanong ni Aiko.

“Well nararamdaman ko na may papasok na third party kasi nga year 2026 at its a challenging part about the couple.”

Kim Chiu at Paulo Avelino: “masyado kasi silang ano e. Especially si Paulo hindi siya masyadong showy. Nararamdaman ko sa kanya (Paulo) mas gusto niya yung private. .. Baka na lang may bigla itong pasabog ngayong 2026, pero si Kim Chiu ay hindi pa rin handa as of now, so focus muna siya sa trabaho”

Elijah Canlas at Miles Ocampo: “cutie cutie kasi yang dalawa so magiging successful sila.”

Hirit pa ni Aiko kung may nakikita bang ikakasal na mga couples ngayon?

Ani Costura, wala pa raw siyang celebrity couples na magpapakasal ngayong 2026.

Sa huli ay ang tungkol naman kay Aiko ang hinulaan ni JC sa pamamagitan ng cards.

Dahil nakakuha ng Jack and King si Aiko, ayon sa FT, “may bagong relationship na darating sa aktres. Kailangan mo paghandaan yan kasi itong guy na ito ay hiwalay din sa partner relationship. hindi siya pabigat sa buhay mo. Kaya ka niyang isustain o suportahan.” May magtatry pa rin daw na manliligaw pero may asawa at may lahi. Ang isa naman daw ay mayaman at magiging maligaya siya sa relationship niya ngayong 2026 dahil ang lumabas sa cards ay red pag itim daw ang ibig sabihin ay iiyak ka.

Say naman ni Aiko, “hindi ako iiyak sa kanya.”