Advertisers

Advertisers

Sa 2nd Week Ng MMFF 2025! Shake Rattle & Roll: Evil Origins Patuloy Pa Ring Tinatangkilik; Hula Kay Rozz Daniels, Magiging Matagumpay Lalo Ang Career Ngayong Taon

0 27

Advertisers

Ni Peter Ledesma

Bukod sa walang tigil na mga papuri at magagandang reviews para sa “Shake Rattle & Roll: Evil Origins” na entry film ng Regal Entertainment Inc sa 51st Metro Manila Film Festival na now on their 2nd week. Patuloy pa ring tinatangkilik ang pelikula sa 180 cinemas sa buong bansa. Makikitang pinipilahan pa rin ang iconic horror film sa mga sinehan. Ibig sabihin ay marami talagang interesado na mapanood ang tatlong episodes ng SRR: Evil Origins na from 1st to 2nd, and 3rd episode ay hindi lang punong-puno ng katatakutan kundi mangugulat at magpapakaba ang bawat eksena. Na hindi ka talaga bibitaw dahil pati ikaw ay masusurpresa sa kung ano pa ang pwedeng mangyari sa character ng lahat ng mga artistang bumibida sa bawat episode na nakikipagbuno o laban sa demonyo, kulto, at makabagong Aswang! May halo ring komedya at ito ang horror na may puso na nagpapakita ng pagmamahal at protekta sa pamilya at kaibigan. Kaya, kung hindi mo pa ito napapanood, ay watch ka na at tiyak na paghihinayangan mo kapag na-miss mo ito. And your money, is worth it, for this viral and big budgeted film.

By the way, maraming kababayan natin sa abroad ang nag-aabang ng Manila International Film Festival para mapanood ang SRR: Evil Origins na consistent pa rin sa pagiging No.2 Top-Grosser movies of MMFF 2025.

***

Ang bongga, naman ng guesting ng “Pop Rock Diva” na si Rozz Daniels sa opening salvo ng “Talk To Me” ni Direk Benny Andaya na director niya sa mga concert at kaibigan rin.

Dahil aside sa Superb duet number number nila ng “HALLELUJAH” ni The Voice Kids 2025 Semi-finalist na si Ahlia Chantale Encinares na napanood ng live sa EuroTV Philippines last Jan 5.

Nagkaroon pa ng instant Predictions, for Rozz and her protegee Ahlia ang mahusay na Tarot and Palm Reader na si Nicco na guest rin ng araw na yun. At majority of Mr. Nicco’s predictions for Rozz ay very positive. Like ang nakikita niyang “Prosperity” o Pag-unlad pa lalo sa showbiz career ng “INDEPENDENT CONCERT QUEEN.” Yes may magtatagumpay raw na project si Rozz na kikita siya ng milyones(baka kanta ito na maghi-hit) at isang concert sa malaking venue like Mall of Asia Arena(MOA). Pero pinag-iingat ni Nicco ang International Artist, at may tao raw na gusto siyang hilahin pababa. At aware rito si Rozz kaya’t hindi raw ito magtatagumpay! May tao rin daw na lolokohin siya(Rozz) sa pera na magkukunwaring naaksidente na kaboses ng kakilala ni Rozz, pero scammer pala. Well kilalang generous si Rozz. Pero pagdating sa kanyang finances ay maingat siya. Lalo’t galing ang savings nila ng husband si Sir David sa both harwork nila sa bansang Amerika.

Naghahanda na rin si Rozz sa nalalapit niyang guesting bilang Celebrity Judge sa gaganaping Big Singing Contest sa Masantol, Pampanga ngayong Jan. 12(Monday). For sure, dahil alam ng nag-invite na Rozz is a professional singer and recording artist ay baka i-request siyang kumanta. At tiyak impromptu ay pagbibigyan sila ni Rozz at nakakanta ito, kahit walang practice. Yes ganyan siya kahusay na performer. Naka-line-up, na pala ang recording ni Rozz para sa gagawing revival ng “Bulong Ng Damdamin” na ang composer ng My One Love On Christmas Day, na si Doc Mon Del Rosario rin ang may likha nito.