Advertisers

Advertisers

TRASLACION 2026, SADYANG GUGULUHIN

0 16

Advertisers

SADYANG GUGULUHIN umano ang TRASLACION 2026 sa pista ng Poong Nazareno na gaganapin sa Biyernes, Enero 9, 2026.

Ito ang malakas na kutob ng ilan mga eksperto na kinabibilangan ng mga retiradong general ng ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES (AFP) at PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP).

Ang pista anila ng Quiapo ay dinarayo ng milyon-milyong tao galing pa sa iba’t ibang dako ng bansa at mundo.

Solid na mga deboto at mananampalataya ito ng Itim na Nazareno na para sa kanila ay milagroso.

Ito ayon sa mga eksperto ay ang tamang pagkakataon upang isa-gawa NG MGA elementong ito ang kanilang balak na panggugulo.

Sa ngayon ay ayaw pa nilang tukuyin ang mga taong nagplaplano nito ngunit sinisiguro nila na hindi ito malayo sa kanilang kuro-kuro.

Iisa lang ang kanilang sinisiguro sa sandaling ito na ang mga taong ito ay bayaran at pera-pera lang ang laban.

Ayon pa rin sa mga eksperto, walang ibang nilalang ang pwedeng mag-finance dito kundi ang mga MANDARAMBONG na nasa likod ng corruption na kung saan bilyon-bilyong piso ang NINAKAW sa kaban ng bayan.

Ipina-palagay din na ang tanging purpos NG MGA ito ay ang ilihis at ibaon sa limot ang mainit na isyung kanilang kina-kaharap.

Kung sakaling magtagumpay ang kanilang maitim na balak, malaki nga naman ang posibilidad na mawaglit sa isipan ng taumbayan ang mga kaso nilang kinakasangkutan.

Sa kanilang paghahasik ng karahasan, siguradong nga namang libo ang pwedeng masaktan at madisgrasya at ito nga naman ay panibagong istoryang tatatak at mananariwa sa isipan ng publiko.

Maliban sa mga MANDARAMBONG, ang isa pa anilang grupo na pwedeng manggulo ay ang opposition at ang mga taong loyal sa liderato ng nakalipas na administrasyon.

Kung maisasagawa nga naman ang kanilang balak, walang ibang sisisihin ang madlang people kundi ang kasalukuyang administrasyon ni PANGULONG Bong Bong Marcos.

Ang isa pang motibo anila NG MGA taong ito ay ang destabilization ng gobyerno upang magkaroon sila ng tsansang mamayagpag muli.

Anumang kaganapan na mag negatibo, siguradong si BBM at ang kanyang administrasyon ang mapupulaan, ‘di po ba?

Ang lahat ng mga ito ayon sa mga eksperto ay kuro-kuro at sapantaha pa lamang ngunit malaki rin naman ang posibilidad na mang-yari.

Idinadalangin din daw nila sa Poong Nazareno na walang maging problema sa Biyernes na kung saan gaganapin ang TRASLACION.

Nawa’y maging ligtas ang lahat ng mga deboto at lahat ng lalahok dito sa TRASLACION 2026.

VIVA!!! VIVA!!! POONG NAZARENO!!!