Advertisers
SA biyahe man o bakasyon, may mga lugar na agad mong mararamdaman na ‘tama ang pinili mo.’
Isa na rito ang W9 Hotel Manila, isang midscale+ lifestyle hotel na matatagpuan sa Bayport West, NAIA Garden Residences sa lungsod ng Parañaque—ilang minuto lang mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa totoo lang, hindi lang ito tungkol sa magandang lokasyon. Sa W9 Hotel Manila, pinagsasama ang global standards at personalized five-star service, pero may kakaibang touch ng tunay na Filipino warmth.
S’yempre, mula sa maayos na kwarto hanggang sa maasikasong staff, ramdam ang malasakit na hindi pilit at hindi scripted.
Kaya sa mga traveler na naghahanap ng comfort, convenience, at value for money, swak ang W9.
Hindi ka magbabayad ng sobra, pero dama mo ang kalidad at alagang pang-‘premium.’
AGAP.AI NG DEPT. OF EDUCATION
Samantala, sa panahon ngayon, malinaw na hindi na maiiwasan ang artificial intelligence (AI) sa takbo ng mundo.
Kaya mahalagang hakbang ang commitment ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gagamitin ng Pilipinas ang AI bilang kasangkapan sa pambansang kaunlaran.
Sa paglulunsad ng Accelerating Governance and Adaptive Pedagogy through Artificial Intelligence (AGAP.AI) ng Department of Education (DepEd), ipinakita na ang teknolohiya ay hindi lang para sa negosyo o industriya, kundi para rin sa edukasyon at paghahanda ng susunod na henerasyon.
Sabi ng Punong Ehekutibo, malinaw dito ang layunin na palakasin ang kakayahan ng mga guro, mag-aaral, at manggagawa upang makasabay sa nagbabagong panahon.
Ngunit higit sa lahat, binigyang-diin ni PBBM na ang AI ay kasangkapan lamang.
Tama nga naman ang Pangulo dahil hindi nito kayang palitan ang sipag, disiplina, at malasakit ng tao.
At sa tamang paggamit, magiging katuwang ang teknolohiya —hindi kapalit—sa paghubog ng mas handa at mas matatag na bansa.
***
Catch Gilbert Perdez’s “Barangay 882” radio show every Saturday from 4:00 PM to 5:00 PM. Tune in via ALIW Channel 23, DWIZ AM Radio, DWIZ 882 Facebook page, or DWIZ ON-DEMAND on YouTube. You can contact him via email at gil.playwright@gmail.com or through this number: 0991-3543676.