Advertisers

Advertisers

ESTILONG NPA NG ISANG ‘MEDIA’

0 7,986

Advertisers

ISANG kaibigan ang tumawag sa atin upang humingi ng payo hinggil sa isang ‘Provincial Media’ na umano’y “malufet,” as in, “matindi” kung “mangikil” sa mga opisyal ng isang ahensiya ng gobyerno.

Aber, sa kanilang pagkuwenta, ‘Boss’ Joey Venancio, Lea Botones at mga kapatid natin d’yan sa Central Luzon Media Association (CLMA), lalampas na sa— kapit kayo sa mga silya—higit P5 MILYON ang “nakubra” ng damuho sa mga opisyal ng gobyerno sa isang probinsiya dyan sa Central Luzon!

May pagkakataon pa nga raw na P1 MILYON ang naibigay sa kanya, wohoow!

Matagal na rin naman tayo sa media at nag-cover din sa ‘provincial beat’ pero hindi pa natin naranasan, PRO4-A president, Ed Amoroso, na mabigyan ng ganyang ‘sandamukal na halaga ng ating mga natulungan sa media, ‘di ba?!

Kung “babalansehin” naman, “kasalanan” din ito ng mga opisyal sa nasabing ahensiya dahil “kunsintidor” sila sa maling gawain ng nasabing “reporter.”

Marahil pa, may mga “lihim ng Gudalupe” sa kanilang ahensiya na ayaw nilang mabisto at maeskandalo kaya kahit “hikahos” na, “nagtitiis” na lang, huhuhu!

Pamilyar na kasi sa atin ang “sistema:” Kapag hindi sila naghatag, “binabanatan” sa kanyang “diyaryo” at sinisiran hanggang sa ‘Head of the Agency’– na mabuti na lang ay alerto at hindi basta puwedeng “palundagin” ng mga “kuwentong barbero.”

Ang kanilang sitwasyon ngayon ay walang ipinag-iba sa ‘revolutionary tax (extortion) ng mga CPP-NPA sa mga negosyante at mga kontraktor partikular sa mga probinsiya na kapag hindi na makapagbigay ay susunugin ang kanilang mga negosyo at kung mamalasin pa, maki=kidnap hanggang sa pumayag ulit na magbayad.

Kumbaga, mga ganitong tao na lang ang “ipinaghahanapbuhay” mo, aguy!

Pero, simple lang ang “solusyon” sa mga abusadong ganyan— ‘entrapment’ at pagkatapos ay “hubaran” ang pagkatao sa publiko.

Paalala naman natin dito kay Mr. Media Man, kung mayroon kang “gatasang baka,” “gatasan” mo lang. Huwag mong “tapahin” dahil kapag “sumipa,” tapos ang masasayang araw mo, hane?

Abangan!!!