Advertisers
Ni Anne Venancio
Nabulabog ang social media nang mag-post si Onemig Bondoc ng retrato nila ni Aiko Melendez sa Instagram na may caption na, “Happy together… after 29 yrs.”
Kaya naman tanong ng mga netizen, may relasyon na ba ang dalawa?
Sa isang TikTok Live noong Enero 10, kinumpirma nina Onemig at Aiko na nasa courting stage pa lamang sila at wala pang opisyal na relasyon.
Sey ni Aiko, nagkaroon lamang sila ng pagkakataong mag-usap nang masinsinan matapos ang mahabang panahon. Inamin naman ni Onemig na matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong ito.
Nilinaw rin ni Aiko na walang kaugnayan sa anumang proyekto o publicity ang kanilang muling pagkikita dahil totoo ang kanilang samahan. Bukas naman sila sa posibilidad na mauwi ito sa mas seryosong relasyon.
***
Nadine Lustre ‘di feel ang engrandeng kasal
Aminado si Nadine Lustre na nakikita niya na pangmatagalang na ang relasyon nila ni Christophe Bariou, lalo’t 4 yrs na ang kanilang relasyon. Ramdam daw niya ang sinseridad nito.
Ayon kay Nadine, hindi mahalaga sa kanya ang pagiging perpekto kundi ang pagkakaunawaan at respeto sa isa’t isa. Bihira umano siyang makatagpo ng katulad ni Christophe kaya kumpiyansa siya sa kanilang relasyon. Nang matanong ito tungkol sa ideal niyang kasal, mas gusto raw niya ang simple at pribadong seremonya sa tabi ng lawa o dagat, kasama ang pamilya at mga kaibigan.
Giit ni Nadine, hindi sila nagmamadaling magpakasal dahil mas nakatuon sila sa kanilang negosyo at career.
***
Daniel Padilla always present sa buhay ni Kaila Estrada
Mas lalong umingay ang espekulasyon tungkol sa namumuong relasyon nina Daniel Padilla at Kaila Estrada matapos silang makitang magkasama sa isang charity event sa Child Haus noong Enero 10.
Sa Instagram post ni Daniel, ibinahagi niya ang isang group photo nila ni Kaila kasama ang mga bata sa Child Haus, isang pansamantalang shelter para sa mga batang may cancer.
Kumalat din ang ilang video kung saan sabay na dumating sina Daniel at Kaila sa lugar at masayang nakipagkulitan sa mga bata.
Sey ng mga marites, sobrang close nina Daniel at Kaila sa isa’t isa ngayon.