Advertisers

Advertisers

PETRO PILFERAGE SA BAUAN, BATANGAS CITY, IBAAN AT NASUGBU, DI MASAWATA!

0 2,922

Advertisers

MAY polisiya ang PNP na “zero tolerance for any immoral, illegal, or unethical act” ngunit nakakadismayang hindi masugpo-sugpo ng kapulisan at iba pang awtoridad ang oil and petroleum pilferage (buriki/paihi) sa Batangas, lalong-lalo na sa mga bayan ng Bauan, Ibaan, Nasugbu at Batangas City.

Ang dalawang motor boat na Amirah nang masabat sa Sitio Duluhan, Brgy. Cuta, Batangas City ng nagpakilalang “MARICOM” habang may kargang buriking petrolyo na idedeliver sa kuta nina alyas Bryan at alyas Sgt. Bobis sa Brgy. San Pedro, Bauan, Batangas.

Hayag sa halos lahat na sulok ng lalawigan ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto at sa sirkulo ng kapulisan ang malakihang operasyon ng sindikatong buriki/paihi na pinatatakbo ng magkasosyong alyas Bryan at pekeng pulis na si alyas Sgt. Bobis sa isang “extraordinary vulcanizing shop” sa Brgy. San Pedro, Bauan. Ipinakumpuni ng dalawa ang shop, pinaluwang at pinahaba upang sa anumang oras ay maaring makapasok ang dalawang tanker, capsule at cargo truck ng mga “bantay salakay” na tsuper at makapagdiskarga ng nakaw na kargamentong petrolyo.

Kalimitan ay kampante at tiwala ang may-ari ng trucking firm sa kanilang mga tsuper, ngunit di nila alam na sila ay pinagnanakawan ng kanilang sariling driver at ng sindikatong pinamumunuan nina alyas Bryan at alyas Sgt Bobis.

Dalawang motorboat naman ng mag-asawang alyas Joel at alyas Myra na M/B Amirah ang tagapag-hakot ng mga nakaw na petrolyo mula sa mga barkong naka anchorage at nakadaong sa Batangas City Bay.

Noong nakaraang October 2025 ay nasabat sa Sitio Duluhan, Brgy. Cuta, Batangas City ng mga nagpakilalang miyembro ng PNP Maritime Command (MARICOM) ang dalawang kunwari ay namamasaherong M/B Amirah. Lulan ng dalawang motorboat (M/B Amirah) ang grupo ni alyas Joel at ang mga nakaw na gasolina at krudo na nagmula sa mga nakadaong na barko sa Batangas City Bay.

Sa masinsinang pag-uusap sa pagitan ng nagpakilalang miyembro ng MARICOM at nina alyas Bryan at alyas Sgt. Bobis ay nagkasundo ang mga ito na pakawalan ang arestadong grupo ni alyas Joel. Hindi na din ini-impound ang dalawang motorboat kapalit ng “daan-libong dahilan” kasama pa ang kumpiskadong nakaw na mga produkto petrolyo.

Dalawang beses sa isang linggo ay dumadaong ang dalawang M/B Amirah ni alyas Joel sa pribadong pier sa Sitio Duluhan, Brgy. Cuta, Batangas City upang magdiskaraga ng nakaw na petrolyo na dadalhin sa kuta nina alyas Bryan at alyas Bobis sa Brgy. San Pedro, Bauan.

“Common knowledge” na ang operasyon ng oil and petro pilferage (buriki/paihi) nina alyas Bryan at alyas Sgt. Bobis sa bayan ng Bauan, Batangas pagkat dedma lamang ito sa Batangas Coastguard, MARICOM, Batangas PNP, Bauan Police Chief LtCol. Carlito Valdez at Mayor Wendah Dolor.

Nagpahayag si Batangas PNP Acting Provincial Director Col. Geovanny Emerick Sibalo na, “Dine sa Batangas, walang takas”, matapos ang matagumpay na operasyon ng kanyang mga tauhan laban sa grupo ng sindikatong buriki na nag-ooperate sa Brgy. Banaba West, Batangas City kung saan labing-apat na suspek ang nasakote ng mga operatiba ni Col. Sibalo at nasamsam ang may 5,000 litro ng nakaw na gasolina na nagkakahalaga ng Php 60,000. Saludo ang SIKRETA kay Col. Sibalo.

Ayon kay Sibalo, ipagpapatuloy nila ang masugid na pagmamanman laban sa sindikato ng oil pilferage (buriki/paihi) at iba pang uri ng kriminalidad. Ngunit alam kaya ni Col. Sibalo o nabubulag ito ng ilan sa kanyang pinagkakatiwalaang tauhan sa Bauan?

Maliban sa Brgy. Banaba West ay may apat pang grupo ng naturang sindikato ang nag-ooperate ng “industriya ng buriki/paihi. Nakapagtatakang hindi natitinag ang naturang sindikato ng elemento ng Batangas City Police sa ilalim ni LtCol. Ira Morillo?

Tinukoy ang naturang sindikato na inooperate ng magkakasosyong alias Medic Ferrer, alyas Egay Flores, Manny at Patrick sa Brgy. Soro-Soro Karsada; dalawa pang magkatabing kuta sa Brgy. Banaba Center By Pass Road, Batangas City at ang pinatatakbo ng isang alyas Balita sa Brgy. Simlong ng naturan ding lungsod na responsable din sa malawakang smuggling ng petroleum product mula China at Malaysia. May karugtong.

***

Para sa komento:Cp.# 0966 406 6144