Advertisers

Advertisers

Derek Ramsay balik-akting

0 16

Advertisers

Magbabalik na sa showbiz si Derek Ramsay matapos ang anim na taong pahinga.

Muling bibida ang aktor sa primetime epic series na “The Kingdom: Magkabilang Mundo,” karugtong ng 2025 MMFF entry na “The Kingdom” na produce ng APT Entertainment at MediaQuest.

Sa isang story conference, inamin ni Derek na matagal siyang nag-aalangan bago tanggapin ang role.

Maraming offers ang dumating sa kanya, pero laging “no” ang sagot niya—hanggang sa dumating ang proyekto na ito.

“I felt like God was telling me, this is what you should do to get your mind off everything that’s happening. So, I listened and I loved the project,” ani Derek.

Binanggit niya ang kasalukuyang cancer treatment ng kanyang ama bilang malaking factor sa timing ng kanyang comeback.

Gaganap si Derek bilang Rajah Siyam, isang karakter na inilarawan niyang “badass” at “bida-kontrabida.”

Ngayong 2026, nakatuon siya sa “inner work” at pananampalataya para harapin ang pressure ng comeback.

“I’m very, very positive for this year,” sey ni Derek.

“May tiwala talaga ako kay Direk. I like his style, I love him as a friend, and human being as a person.

“So when he approached me with this, it wasn’t as yes kaagad as it used to be pero you know, it was there. Even my dad was a big part, he told me, ‘you should do this son.’ My mom too. All sides are pointing in that direction, so here I am,” saad pa nito.

Makakasama niya sa cast sina Piolo Pascual, Cristine Reyes, at Sue Ramirez.