Advertisers

Advertisers

Galing at husay ng batang Kankaloo sa 2025 SEA games, pinuri ni Mayor Along

0 81

Advertisers

Personal na binati at ginawaran ng cash incentive ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang mga atletang Batang Kankaloo sa pagiging kinatawan ng ating bansa sa Southeast Asian (SEA) Games at sa kanilang pagpapakita ng kahusayan sa kani-kanilang larangan.



Kinilala ang mga Batang Kankaloo na kinatawan ng Pilipinas sa SEA Games na sina Angelo Iñigo A. Ventus (Extreme Jetski Mixed Runabout Limited – Bronze), Jahn Cyruz P. Asuncion (Short Track Speed Skating – Bronze), Ethelmae Jewel Suguitan (Short Track Speed Skating – Bronze), Aljen A. Aynaga (Taekwondo – Bronze), Katrina M. Garcia (Philippine Women’s Netball Team – Bronze), Miel Joaquin Ugaban (Water Polo), at Joaquin Federico Mirasol (Water Polo).

Kasama ng iba pang atletang galing sa lungsod, na sila ang patunay na kayang-kaya ng mga Batang Kankaloo na makipagsabayan ng talento at determinasyon sa buong mundo.

“Asahan niyo po na sa ilalim ng ating administrasyon, patuloy nating susuportahan ang mga programang magbibigay ng oportunidad sa mga kabataan na palaguin ang kanilang kakayahan sa larangan ng palakasan,” pahayag ni Mayor Malapitan.(BR)