Advertisers

Advertisers

REAL TALK! ALEX GONZAGA, NAGPAKATOTOO SA GANDA; IVANA ALAWI, NAGLANTAD NG KISSING SECRETS KAY JOSHUA

0 61

Advertisers

Ni Rommel Placente

TINANONG si Alex Gonzaga sa isang interview sa kanya kung sino ang mas maganda sa kanila ng ate Toni niya. Ang nagpakatotoong sagot niya, “To be honest, ako! Honest lang tayo, huh!

“Pero sex appeal and talent, baka siya. Baka pa huh! Hindi pa sure,”natatawang sabi pa niya.Sundot na tanong kay Alex. Kung pure beauty?

“To be honest, ayoko siyang ma-hurt. Pero pwedeng ako.

“Sorry, sorry, pero alam naman niya yun.

“Kasi ‘pag nag-uusap kami, sinasabi niya,”mas maganda ka talaga kesa sa akin, Catherine”

“Pero mas ang ate ko sa lahat ng bagay. Mas malakas ang sex appeal niya. Mas tinginin talaga siya (ng mga tao). Mas focused siya (sa work). Lahat ng mas, nasa kanya na.,”papuri pa ni Alex sa kanyang nakatatandang kapatid.

***
MAY kwento si Ivana Alawi tungkol sa naging kissing scene nil ani Joshua Garcia sa kanilang unang proyekto.

Sa isang panayam kasi kasi ay natanong ang dalaga tungkol sa tambalan nila ni Joshua, lalo na ang naging intimate scene nila sa serye.

Ayon kay Ivana, talagang “grabe” raw ang eksena!

Kaya naman nang diretsahang tanungin kung totoo bang si Joshua ay “Higop King,” walang pag-aalinlangang sumang-ayon ang aktres.

“Oo, Higop King, ganun!” sey ni Ivana, sabay tawa.

Dagdag pa niya, sobrang intense raw ng eksena at aminado siyang hindi niya inasahan na ganun pala ka-all out si Joshua pagdating sa kissing scenes.

Ikinuwento pa ni Ivana na nasabi niya raw sa aktor ang, “Grabe ka naman,” na sinagot naman ni Joshua ng, “Humigop ba?”