Advertisers

Advertisers

ILANG OPISYAL NG MPD AT KANILANG MGA BAGMAN, PARANG CONTRUCTOR DIN KUNG MAGNAKAW

0 105

Advertisers

Halos parehas na rin ng mga contructor at engineer ng Department of Public Works and Highway (DPWH) kung magnakaw ng pera ang ilan OPISYAL NG Manila Police District (MPD) at kani-kanilang mga BAGMAN o’ enkargado.

Ito ay ayon sa ilan inside man sa departamento at batay na rin sa kanilang lifestyle sa araw-araw.

Ang gumagalaw anila dito ay ang mga BAGMAN na ang tanging trabaho lang ay ang abonohan ang dapat kitain ng presinto o di kaya’y departamento na kanilang hinahawakan.

Wala talaga itong pinagkaiba sa mga contructor na inaabonohan din ang pera sa mga engineer ng DPWH upang award sa kanila lahat ng proyektong isasagawa ng gobyerno.

Ang mga engineer naman umano ang naghahatag sa mga politiko na mag-aaward naman sa kanila ng mga proyektong ‘di na dumadaan sa proseso at public beeding.

Dito na umano pumapasok ang mga gimmick tulad ng budget insertion na kung saan umaabot ng bilyon PISO ang halaga gaya ng Flood Control Project na madalas na ghost project.

Talagang walang pinagkaiba ito sa istilo ng kapulisan na inaabonohan na agad ng mga enkargado ang lingguhang kita ng presinto sa kanilang station commander o’ hepe.

Ang mga opisyal naman umano ang nagpaparating sa mga LGU na di tulad ng mga contructor na national government ang binibigyan tulad ng mga Senador at congressman.

Mas maliit di hamak ang kita NG MGA kapulisan na maaaring umabot ng milyon ngunit di aabot ng bilyontulad ng mga contructor.

ILAN sikat na MGA enkargado na namama-yagpag sa MPD ay ang Isang “Tata Rovic” na may hawak umano ng buong Manila na direkta sa District Director.

Ang pumapangalawa naman sa datingan ay isa namang “Tata CONWEE” na BAGMAN naman ng MPD-PS11 na nakakasakop sa commercial area ng Divisoria, Sta. Cruz at CM Recto Avenue, direkta naman ito sa kanyang station commander na si Col. Villanueva.

Mga juicy post ang hawak NG MGA ito na kung saan lahat ng pagkakaperahan ay mata-tagpuan kabilang na ang mga vendor, sugalan at marami pang iba.

Si Rovic at si CONWEE ay may alaga rin umanong mga gambling lord at meron din daw mga sariling butas NG MGA bookies at EZ-2 na mismong sila ang kapitalista.

Mantakin mong sa loob lang daw ng anim na buwan ay nakabili na umano itong si Tata CONWEE ng dalawang SUV… eh ‘di wow!!!

Si Tata Rovic naman anila ay marami ng sasakyan pero huwag naman daw ika-gulat kung mag-karoon na ito ng sariling helicopter.

Ano kaya ang masasabi ng magigiting na opisyal ng PNP at ng MPD, ” truth or consequence” he… he… he… share naman your blessings…