Advertisers
MALUGOD na tinatanggap ni Taguig City Mayor Lani Cayetano si PCOL Julius C. Añonuevo bilang bagong Officer-in-Charge ng Taguig City Police Station, habang ginagampanan niya ang responsibilidad na pamunuan ang puwersa ng pulisya nang may panibagong dedikasyon sa pagpapalakas ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.
Naroon sa simpleng seremonya sina PCOL Noel Fermin, Deputy District Director for Administration, SPD; PCOL Ronaldo Plecerda, Chief District Personnel and Records Management Division, SPD; at PLTCOL Victor Arvin Oscares, Assistant Chief of Police for Administration (ACOPA), Taguig City Police Station, na patuloy na gumagabay at sumusuporta sa ating mga kalalakihan at kababaihang naka-uniporme.
Kasama sina Vice Mayor Arvin Ian Alit, Atty. Jose Luis Montales, at ang buong Pamahalaang Lungsod, nananatiling nagkakaisa sa tiwala sa Philippine National Police (PNP) ang mga opisyal ng lokal ng gobyerno bilang mga katuwang sa pagpapanatili ng kaligtasan, kaayusan, para sa bawat Taguigeño. (JOJO SADIWA)