Advertisers

Advertisers

3 trak ng iligal na yosi nasabat sa Valenzuela

0 10

Advertisers

NASABAT ng Bureau of Internal Revenue at Regional Highway Patrol Group – NCR ang tatlong trak na naglalaman ng mga illegal na sigarilyo.
Ayon kay Lt. Colonel Joey Caise, direktor ng Regional Highway Patrol Group, nakakuha sila ng lead kung saan itinatago ang mga iligal na sigarilyo matapos maaresto ang da-lawang Chinese nationals sa Quezon City na sangkot sa pagbebenta.
“Nagbebenta po sila sa kalsada, upon inspection ng mga personnel on the ground, nakita natin yung grupo na ito, nagpapalitan sila, nililipat yung laman ng isang container aluminum van sa van ng buyer,” ani Caise.
Mahigit 600,000 packs ng sigarilyo ang nasamsam na ikinarga sa tatlong trak.
Sa pagsusuri, natuklasan ng BIR na ang mga ito ay hindi tumutugon sa mandatory Internal Revenue Stamp Tax na obligado ng National Internal Revenue Code of 1997.
Ang mga illegal na sigarilyo ay may tinatayang mahigit kalating bilyong pisong excise tax deficiency, kabilang ang mga penalty at surcharge.
(Beth Samson)