Advertisers

Advertisers

Higit P10m kemikal sa paggawa ng droga nasamsam sa Caloocan

0 16

Advertisers

Bigo ang awtoridad na madakip ang isang akusado sa Caloocan makaraang hindi ito maabutan sa inuupahang lugar, Sabado ng umaga sa Search Warrant No. SW-554 laban kay alias “Jesus” na inisyu ni Honorable Rodolfo P. Azucena Jr., 1st Vice Exec. Judge ng RTC Br. 125, Caloocan City , January 23, 2026 para sa paglabag sa Section 8, (Manufacture of Dangerous Drugs and/or Controlled Precursors and Essential Chemicals) of RA. 9165, “ Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”
Sa ulat, 8:16 ng umaga ng January 24, 2026, nang pasukin ang Phase 8B, Renters Excess Lot, Bagong Silang Barangay 176-D, Caloocan City ang inuupahang lugar ng akusado na hindi natunton sa nabanggit na lugar.
Sa ipinarating na ulat kay Northern Police District Director PBGen.Christopher dela Cruz , sa ilalim ng pamumuno ni PCol. Joey T Goforth, Caloocan Police Chief, katuwang ang Station Drug Enforcement Unit, Intelligence Section, SWAT at Police Substation 13 ng Caloocan City Police Station , kasama ang District Drug Enforcement Unit , nasamsam sa nasabing address ang – dalawang containers na naglalaman ng liquid chemical substances na PHENYLOCETONE, na humigit- kumulang Twenty (20) liters, na nasa plastic o foil-lined flexible containers na selyado ng tape na may kabuuang timbang na 16.95 kilograms at tinatayang nasa standard drug price na PhP10,000,500.00, dalawang Large-bottom glass flasks na gawa sa laboratory-grade glass na 20,000ml bawat isa, dalawang separatory funnels na may conical bodies (Triangle glass) , dalawang electric laboratory heating mantle , isang stainless steel laboratory heating at mixing base unit, machine type with buttons, mga paraphernalia, tulad ng accessories, attachments, manuals, at electric cords.
Sasampahan naman ng mga kaukulang kaso ang suspek sa paglabag sa Sec. 8, of RA 9165. (Beth Samson)