Advertisers

Advertisers

BAGONG YUGTO SA BUHAY NINA VINCE AT SHARINA!

0 2,586

Advertisers

‘Ang pinagsama ng Diyos ay huwag papaghiwalayin ng tao.., humayo kayo at magpakarami,” mga litanyang itinatagubilin upang tupdin ng mga ikinakasal tulad sa naging pag-iisang dibdib ng magkasintahang sina VINCE LAWRENCE FLORES at SHARINA MANZANO nitong January 20, 2026.

Siyempre pa, sa buhay ng tao ay walang perpekto dahil ang lahat ay dumadanas ng iba’t ibang suliranin lalo na sa buhay ng mag-asawa.., kaya naman ang bilin ng mga magulang nina VINCE at SHARINA ay kung sakaling magkaroon man ng problema ay huwag pagtatagalin at sa halip ay solusyunan agad sa mahinahong pag-uusap at kailangan ang pagkakaunawaan ng mag-asawa sa lahat ng bagay.

Ang kasalan ay idinaos sa IGLESIA NI CRISTO CHAPEL sa NARVACAN, ILOCOS SUR na siyempre pa ay sa naging patnubay ng kani-kanilang mga magulang na sina NARCISO at ELVIRA FLORES (magulang ni Vince) gayundin ang mag-asawang sina LARRY at LEONIDA MANZANO ( magulang ni Sharina).

Nagsilbing PRINCIPAL SPONSORS o NINONG at NINANG ng mga ikinasal ay sina Ginoong Jose Cabael, Jonel Manzano,
Benedicto Cabael, Jose Antonio,
Joel De Leon.., sina Ginang
Lilibeth Cabael, Janet Garcia,
Joylyn Cabael, Myra Bautista,
Melody Dagusen at siyempre pa ay Ninong at Ninang din kaming mag-asawa (Irwin at Ma Vilma Corpuz).., gayundin ay kabilang sa mga naging Ninang sina NARVACAN MAYOR EDNA C. SANIDAD (kamag-anak ko po) at BRGY. CADACAD, NARVACAN CHAIRMAN HERMINIA BALLESTEROS.

Idinaos ang reception sa BASKETBALL COURT ng BARANGAY CADACAD, NARVACAN na halos ang buong komunidad ay nagsidalo at sumalo sa masaya’t masarap na kainan dagdag pa ang iba’t ibang mga palaro na nagpadagdag kasayahan sa naturang okasyon.

Ang pinagdausang lugar ng reception ay nasa boundary ng BARANGAY CADACAD, NARVACAN at BARANGAY CADACAD, NAGBUKEL TOWN.., na mula sa BASKETBALL COURT ay halos isang minutong lakaran lamang at ilog lang ang pagitan ng 2 bayan.., kung saan ang pamilya ng yumao na naming ina na si BIBIANA “BEBENG” ANTONIO CORPUZ ay sa BRGY. CADACAD, NAGBUKEL ang kinaroroonan ng kanilang ANCESTRAL HOUSE na magpahanggang ngayon ay naroon pa rin ang kanilang ANCESTRAL HOME.

Sa ngayon.., ang bagong yugto sa buhay nina VINCE at SHARINA bilang mag-asawa ay hindi maiiwasan ang iba’t ibang mga pagsubok na ang hinahangad ng ARYA ay BLESSINGS at GOOD HEALTH ang igawad sa inyo ng ating ALMIGHTY GOD at kung magkaroon man ng suliranin sa pagsasamang mag-asawa ay dapat mapag-ayos sa mahinahon at pag-uunawaan.., huwag hayaang mahantong sa pagbabatuhan ng mga gamit at sa halip ay pahalagahan ang lahat ng mga naipundar na kagamitan sa loob ng pamamahay at maiwasan ang panibagong gastos sa pagbili ng mga nasira o nabasag na mga kagamitan.., ika nga, magbatuhan na lang kayo ng matatamis na halik-pagmamahalan!

Pahabol na pagbati.., January 27, 2026 ay BIRTHDAY CELEBRATION ng aking pinsan MAURO CABUDOL (kabilang din ito at kaniyang asawa na si Manang Tessie sa naging Ninong at Ninang ng newly wed Vince at Sharina). Taun-taon ay idinadaos ang selebrasyon sa kanilang pamamahay sa BRGY. CASILAGAN, NARVACAN, ILOCOS SUR.., HAPPY 77th BIRTHDAY insan Manong Mauro!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.