Advertisers

Advertisers

“Koronang Best Police District nabawi na ng QCPD sa pamunuan ni PCol. Silvio”

0 207

Advertisers

Gumuhit ng kasaysayan sa Quezon City Police District (QCPD) si Acting District Director, Police Colonel Randy Glenn G Silvio makaraang mabawi sa kanyang pamumuno ang koronang matagal ng inagaw sa QCPD – ang Best Police District.

Nabawi na ng QCPD ang korona na madalas naiuuwi ng pulisya sa tuwing isineselebra ang Philippine National Police Founding Anniversary sa tuwing Enero.

Sa Enero 29, 2026 (Huwebes), muling magbabalik ang QCPD sa rurok ng kahusayan. Sa pagdiriwang ng PNP Day, igagawad sa distrito ang prestihiyosong titulong Best Police District—isang tagumpay na nagtatapos sa anim na taong paghihintay, mula noong huling makuha ng QCPD ang parangal na ito noong 2020.

Sa ilalim ng hindi matatawaran pamumuno ni Col Silvio, hindi lamang nagbalik ang QCPD sa dati nitong ningning at sa halip ay nahigitan pa ang mga nakaraang pamantayan sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya at masusing estratehiya laban sa kriminalidad.

Anim na Taong Paghihintay, Tinuldukan: Taong 2020 nang huling parangalan ang QCPD bilang Best Police District, pero sa kabila nito ay nanatiling matibay na katunggali ang QCPD, at iyon na nga – bumangon ang pulisya kung saan ang taong 2025–2026 ang naging hudyat ng kanilang pinakamalakas na pagbangon.

Sa pakikipagtulungan sa “Safe City” vision ni Mayor Joy Belmonte at sa pangunahing misyon ng PNP, muling pinasigla ni Col Silvio ang bilis at daloy ng operasyon sa distrito.

Buod ng mga Nakamit sa Kampanya – Sa kriminalidad, ang distrito ay nakapagtala ng malaking bawas na 25% sa kabuuang “index crimes.” Higit sa lahat, ang mga pagsisikap laban sa “Focus Crimes” ay nagresulta sa 88% na pagbaba ng carnapping ng motor at 58% na pagbaba ng mga kaso ng panggagahasa, na naglalayong gawing mas ligtas ang mga kalsada ng QC para sa mga kababaihan at kabataan.

Sa gera laban sa iligal na droga: Nakatuon ang kampanya laban sa narkotiko ang QCPD sa mga “high-value targets.” Sa nakalipas na taon, libu-libong operasyon ang isinagawa na nagresulta sa pagkakasamsam ng milyun-milyong pisong halaga ng iligal na droga, habang pinananatili ang paggalang sa karapatang pantao at ang Community-Based Drug Rehabilitation Program.

Sa Wanted Persons: Sa pamamagitan ng inisyatibong “Warrant Day” at mas pinahusay na tracking systems, matagumpay na natunton ng QCPD ang libu-libong indibidwal na may nakabinbing warrant, dahilan upang maresolba ang mga lumang kaso at mabigyan ng katarungan ang mga biktima. Katunayan, nakuha pa ang parangal na Top One sa pag-aresto ng MWP. Inungusan niya ang apat na distrito ng pulisya sa National Capital Region.

Makabagong Teknolohiya: Ang pagpapatupad ni Col Silvio ng Investigation Solution Automatic Verification (ISAV) system at ang paggamit ng mga surveillance drone na may Starlink connectivity ay nagpabago sa paraan ng pagtugon ng distrito sa mga 911 emergency at sa pagbabantay sa matataong lugar.

Pamumuno at Moral ng Kapulisan : Ang landas pabalik sa pagiging “Number One” ay binuo sa pamamagitan ng reporma sa loob ng organisasyon. Si Col Silvio, na miyembro ng PNPA Kapanalig Class of 1997, ay nagbigay-diin sa kapakanan ng mga tauhan at sa sistemang nakabatay sa husay (meritocracy). Higit sa 21,000 commendations ang iginawad sa mga tauhan noong 2025, upang matiyak na ang layuning mabawi ang titulong Best Police District ay damang-dama ng bawat opisyal mula sa himpilan hanggang sa mga presinto.
?Ang pagbawi sa prestihiyosong parangal na ito matapos ang anim na taon ay higit pa sa isang tropeo at sa halip ito ay pagkilala sa pagsusumikap ng mga kalalakihan at kababaihan ng pulisya at siyempre maging sa walang sawang suporta ng mga QCitizen.

Congratulations Police Colonel Randy Glenn Silvio, at sa lahat ng bumubuo ng QCPD.

To God be the Glory!

O pang hinihintay niyo…gawin nang Heneral si Col. Silvio.