Advertisers

Advertisers

OFW NA PATUNGONG HONGKONG, INARESTO SA NAIA 3

0 13

Advertisers

Isang 45-taong-gulang na overseas filipino worker na patungong Hong Kong ang inaresto noong Biyernes, Enero 23, 2026 ng PNP-AvSeGroup, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at sa pakikipagtulungan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 dahil sa ilegal recruitment, ayon sa ulat kahapon.



Naharang ang suspek sa departure area ng Terminal 3 matapos matunton ng Immigration officer ang isang aktibong warrant na inisyu ng Regional Trial Court sa Mindanao para sa krimeng Syndicated Illegal Recruitment, na walang inirekomendang piyansa.

Nanawagan ang immigration officer sa NAIA Police Station 3 (NPS 3) para sa isang beripikasyon at naaangkop na aksyon dahil ang suspek ay may nakabinbin na ‘arrest warrant’ sa issuing court.



Ang OFW ay nasa kustodiya na ngayon ng CIDG, MDFU para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.

Sinabi ni PNP-AvSeGroup Director PBGen Dionisio B Bartolome na hindi nila papayagan na gamitin ang mga aviation gateway ng bansa bilang daan upang makaiwas sa hustisya. (JOJO SADIWA)