Advertisers

Advertisers

Tindera nagbebenta ng pekeng yosi, timbog

0 39

Advertisers

Kalaboso sa ikinasang Buybust Operation ang isang may ari ng tindahan na umanoy nagbebenta ng ilegal na mga sigarilyo kahapon lamang sa Dacanay St., Brgy. San Fermin, Cauayan City.
Kinilala Ang suspek ay si alyas “Nelia,” 32-anyos, may asawa, store owner at residente ng nabanggit na lugar.
Base sa imbestigasyon, nakatanggap ng beripikadong impormasyon ang mga tauhan ng Isabela PIU, PNP Cauayan CCPS, at RMU2 hinggil sa umano’y ilegal na bentahan ng smuggled cigarettes. Agad itong inaksyunan ng mga awtoridad sa pamamagitan ng isang buy-bust operation.
Sa report ng mga kapulisan, kumagat ang nasabing suspek sa pagpapanggap ng isang pulis na umaktong bibili ng sigarilyo na matagumpay na nakakuha sa pinaghihinalaan ng sampung (10) reams ng Marshal at labin-limang (15) reams ng RGD cigarettes sa halagang ₱9,250.00.
Bigong makapagpakita ang suspek ng dokumento bilang legal na suporta sa mga inilalakong sigarilyo.
Sinuko naman ng suspek ang iba pang umanoy smuggled cigarettes kabilang ang fifty (50) ream RGD blue/black cigarette; fifty (50) ream BON blue cigarette; eigth ( ream NISE blue; twenty-five (25) ream BOB blue; ten (10) ream H&P; twenty-five (25) Marshal red; twenty-one (21) ream Marshal green cigarret; fifty (50) ream Commando green cigarrete; fifteen (15) ream Golden Leaf red cigarrete; four (4) ream Tattoo white cigarrete; twenty-two (22) ream Modern black cigarrete; ten (10) ream Fort white cigarettes at thirty-seven(37) ream Marshal blue cigarrete na nagkakahalaga ng P133,760.00.
Mahaharap sa paglabag sa Section 263 ng National Internal Revenue Code o NIRC of 1997 na naamyendahan bilang RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act o CMTA ang suspek na nasa kostodiya ng Cauayan Component City Police Station. (Fidel Coloma)