Advertisers

Advertisers

PAGBABAWAL SA PAGGAMIT NG MOBILE PHONE SA MGA HOLDING FACILITY SA TAGUIG AT MUNTINLUPA — BI

0 24

Advertisers

Pinag-iisipan ng Bureau of Immigration (BI) ang pagbabawal sa paggamit ng mobile phone sa mga holding facility nito sa Taguig at Muntinlupa.

Sa halip, gagamit ito ng mga landline at video call booth, sa gitna ng mga ulat ng pagpupuslit ng mobile phone.

“Kapag may nangyaring pang-aabuso, dapat agad na kumilos,” sabi ni Commissioner Joel Anthony Viado sa isang pahayag noong Sabado.

Sinabi ni Commissioner Joel Anthony Viado sa isang pahayag, na magsasampa sila ng mga kaso laban sa mga tauhan na mapatunayang sangkot sa pagpupuslit ng mga hindi awtorisadong bagay sa loob ng pasilidad.

Isinagawa ang mga pagsalakay sa mga detenido sa parehong pasilidad noong Biyernes.

Ani Viado , ang dobleng crackdown ay kasunod ng mga pahayag ng deported na Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy, na nagsabing mayroon siyang access sa kanyang mobile phone habang nasa detensyon.

Bagama’t nangyari ang insidente noong Hunyo o Hulyo ng nakaraang taon, at isinagawa ang mga pagsalakay at pagkumpiska sa pagitan ng mga ito, naniniwala siya na kailangan ang mga malawakang pagsalakay kasunod ng pinakabagong impormasyon.

Ang operasyon ay pinamunuan ng BI intelligence division, sa pakikipagtulungan ng National Capital Region Police Office at ng Bureau of Corrections.

Idinagdag ni Viado na ang lahat ng mga silid, tirahan, at lugar ay masusing hinalughog at nilinis ang anumang kontrabando, kabilang ang unauthorized cash, telepono, gadget, electronic devices, sigarilyo at e-cigarretes, kutsilyo, at iba pang matutulis na bagay, kabilang ang mga baraha at kagamitan sa pagsusugal.

Nauna nang ibinahagi ng BI na ang kasama ni Zdorovetskiy, ang dayuhang mamamayan na si Malik Dejoun Okojie, ay natuklasang sangkot sa phone smuggling sa loob ng pasilidad sa tulong ng kanyang asawang Pilipina.

Sinabi ni Viado na tatlong tauhan na napatunayang sangkot sa phone smuggling ang tinanggal sa trabaho, kung saan isang contractual agent ang tinanggal, at isang opisyal at isang kawani ang tinanggal sa trabaho habang iniimbestigahan.

Bagama’t ang pasilidad ng BI warden ay hindi isang kulungan kundi isang pansamantalang lugar para sa mga dayuhang nahaharap sa deportasyon, ang paggamit ng mga gadget ay mahigpit na kinokontrol.

Ang mga mobile phone ay pinapayagan lamang upang makipag-ugnayan sa mga miyembro ng pamilya, embahada, o abogado ng deportee’s. (JOJO SADIWA)