Advertisers
ANG umuusbong na Filipino billiards sensation na si Rodlin John “RJ” Bautista ay nakatakdang gumawa ng ingay sa prestihiyosong Las Vegas Open 2026 na gaganapin mula Pebrero 18 hanggang 23, 2026 sa West Gate Las Vegas Resort and Casino, Las Vegas, Nevada, USA.
Si Bautista, na ipinagmamalaki ng Quezon City, ay lalahok sa paligsahan na may kabuuang pondo na US$150,000 na tinaguriang Pro Billiard Series Las Vegas 2026.
“I hope to do well in the tournament,” Wika ni Bautista.
Gumawa na nang pangalan si Bautista, na nagwagi ng magkakasunod na MVP na parangal sa B League Collegiate Billiards Circuit noong 2011 at 2012. Ngayon, naghahanda siya upang makipagkumpitensya laban sa pinakamahusay sa mundo sa kanyang nalalapit na paglalakbay sa US.
Sa ilalim ng mapanuring mata ng kilalang coach sa buong mundo na si Ramon “Maestro Monching” Mistica, masigasig na nag-eensayo si Bautista sa Quezon City, pinapahusay ang kanyang mga kakayahan at estratehiya. Pangarap niyang mag-iwan ng pamana katulad ng sa billiards icon na si Efren “Bata” Reyes, na ang dominasyon sa isport ay walang kapantay.
Naaalala na nagtapos si Bautista sa 9th at 12th na pwesto sa ika-34 Annual Andy Mercer Memorial 9-Ball Classic 2025.