Advertisers

Advertisers

JOHN LLOYD CRUZ, ‘DI LOVELESS — NAKIKITANG NAGBABAD SA BAHAY NI ELLEN ADARNA

0 17

Advertisers

Ni Favatinni San

Uminit ang espekulasyon ng mga netizen matapos mapansing hindi na raw nagpa-follow sa Instagram sina John Lloyd Cruz at Isabel Santos. Dahil likas na mausisa ang mga Marites, agad na kumalat ang tsismis na nagkakalabuan umano ang dalawa.

Mas lalo pang pinainit ang isyu nang may mga ulat na nakikitang madalas magtungo si Lloydie sa bahay ng kanyang dating partner na si Ellen Adarna. Agad namang umalingawngaw ang haka-haka na baka nagkabalikan na ang dalawa.

Gayunman, malinaw ang paliwanag ng mga malalapit sa aktor: co-parenting lamang ang dahilan ng madalas na pagbisita ni John Lloyd, lalo’t kailangan niyang sunduin at makapiling ang kanilang anak na si Elias Modesto.

May ilan mang netizen na nagsusulong ng balikan nina Lloyd at Ellen, hindi rin naman maikakaila na masaya sina John Lloyd at Isabel, na kamakailan lang ay nagbakasyon pa sa Bangkok, Thailand kasama ang mga kaibigan.

Marami tuloy ang nagtatanong kung kailan kaya mauuwi sa kasalan ang relasyon nina Lloyd at Isabel. Ngunit ayon sa ilan, mukhang malinaw na maling-mali ang mga sapantaha ng mga Marites — walang comeback na nagaganap.

***

NORANIANS, MAGKAKASAMA SA “ISANG GABING PUNÔ NG PAGMAMAHAL” PARA KAY NORA AUNOR

Nag-uumapaw ang pagmamahal ng mga Noranians sa paggunita ng unang anibersaryo ng pagpanaw ng National Artist na si Nora Aunor.

Ayon kina Sis Marie Cusi at Sis Ghie Atienza-Tamayo, dagsa ang mga tumatawag para sa early reservation ng espesyal na pagtitipong gaganapin sa Abril 16, 2026, na pinamagatang “Isang Gabing Punô ng Pagmamahal.” Limitado lamang ang slots para sa mga rehistradong tagahanga.

Magsisimula ang programa sa banal na misa sa puntod ni Ate Guy, na ngayo’y tila isa nang tourist spot dahil sa patuloy na pagdalaw ng mga tagahanga. Sa kabila ng mahal na halaga ng mga bulaklak, hindi pa rin nauubos ang mga nag-aalay ng panalangin at pagmamahal.

May mga update rin kaugnay sa planong Nora Aunor Museum and Auditorium na itatayo sa Iriga City, bilang pagpupugay sa walang kapantay na ambag ng Superstar sa sining at kultura.

Bagama’t wala na si Ate Guy, patuloy pa rin ang pagdating ng mga parangal at pagkilala sa kanya. Tunay ngang siya ay
“the one and only gem in Philippine showbiz.”