Advertisers

Advertisers

Chinese national na sangkot sa nakawan sa eroplano, huli sa BI

0 8

Advertisers

Dinakip ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na hinihinalang miyembro ng notorious na ‘salisi gang’ na diumano’y sangkot sa mga nakawan sa loob ng mga commercial airplanes.

Ang Chinese na kinilalang si Zhou Wei, 52, ay dinakip habang nagtatangkang pumasok sa bansa nitong January 20 sakay ng Malaysia Airlines flight mula Kuala Lumpur, sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Ayon kay BI Advance Passenger Information System (APIS) Operations Center (APOC) Chief Melvin Mabulac, nakatanggap ang BI ng system alert na ipinapakita ang mga galaw ni Zhou.

Ani Mabulac, ang mga international intelligence sources ay nagsabi na si Zhou ay miyembro ng organized criminal group na binubuo ng Chinese citizens na nagnanakaw sa loob ng mga eroplano habang nasa himpapawid ang mga ito.

Karaniwan umano ay ninanakaw nila ang mga pera mula sa hand luggage ng ibang pasahero. Kinukuha umano ng gang members ang bag mula sa overhead compartments, bumabalik sa upuan bitbit ito at doon ay tinitignan kung ano ang maaring nakawin mula sa bag.

Pagdating ay agad na inaresto si Zhou at di pinapasok ng bansa at ang operasyon umano ay naging posible sa tulong UN goTravel software ng UN Office of Counter-Terrorism at ng Australian government.

Si Zhou ay pinasakay kaagad ng eroplano pabalik sa kanyang pinagmulang bansa at ngayon ay blacklisted at banned na sa Pilipinas. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)