Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Usap-usapan ng mga tsismosang kapitbahay ang laman ng IG story ni Kate Valdez.
Ibinahagi kasi ng aktres ang ilang linyahan sa kanta ni Billie Irish tungkol sa breakup.
Caption ng post niya:
“And I don’t talk shit about you on the internet
Never told anyone anything bad Cause that shit’s embarrassing, you were my everything And all that you did was make me fucking sad”
Nanganak naman ng espekulasyon ang nasabing post.
Ni-like rin ni Kate ang komento ng isang dreimond14 na nagsasabing confirmed na break na sila ng nobyo nitong si Fumiya Sankai.
Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa mga nagmamarisol ang nasabing isyu.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“grabe pa naman glow ni kate nung naging sila, parang ang saya nya lagi.”
“Kaya naniniwala talaga ako na walang forever eh”
“tuwang-tuwa pa naman ako sa kanila kaya nagfollow ako sa onigiri account nila”
“naku, bakit kaya? wala sanang cheating issue na nangyari.”
“Stereotypes pa naman sa mga japanese common ang cheating sa kanila at most of them yung pag-avail daw ng “PROSTI” or “HOSTESS” are NOT considered as cheating.
or baka CULTURE differences, based on my experience, yung Japanese ex-BF ko talaga mahirap intindihin culture nila about dating.lol..”
“Mukhang si fumiya ang nang iwan”
“Halaaa. Bias ko pa naman sila kasi magkahawig talaga sila.”
“Mukhang bad break up haha”
“Young love lang naman yun sa kanila. I think mas prefer pa rin ni Fumiya yung kalahi niya.”
“Akala ko end game na talaga sila kasi magkamukha na eh.”