Advertisers

Advertisers

MEGASTAR PINASYAl AT PINAMILI ANG MGA KASAMBAHAY

0 14

Advertisers

Ni Beth Gelena

Sa bagong vlog ng Megastar Sharon Cuneta ay nakafeature ang mga loyal niyang angels kung saan ay ipinamimili niya ang mga ito at ipinasyal.

Pumunta sila sa isang mall at ipinagshopping ang mga ito.

Ang tinutukoy na angels ni Sharon ay ang mga kasambahay na dekada nang naninilbihan sa kanila

Sa nasabing video, binalikan ni Sharon ang mahabang kasaysayan kasama ang kanyang mga kasambahay, na mas gusto niyang tawaging “angels.”

Ayon sa singer-actress, ang ilan sa kanyang staff ay kasama na niya simula pa noong nagsimula siya sa kanyang career hanggang sa paglaki ng mga anak.

Makikita sa video na ang saya ng mga staff habang pumipili ng kanilang mga damit at gamit.

Matapos mamili ng mga damit, in-encourage pa mismo ni Megastar na mamili rin ng mga bag na pwede nilang gamitin.

Ang nasabing vlog ay umani ng papuri mula sa netizens na humanga sa pagiging mapagkumbaba at mapagbigay ng aktres sa kanyang mga tauhan.

Anila: “Sobrang bait niyo po kaya pinagpala kayo, ingat po kayo lagi.”
“Ang sarap naman ng staff ng nag-iisang Megastar na si Shawie, napakabait niya.” “Lahat ng kasama ni Megastar eh super blessed, mabait kasi na tao si Mega.”
“Kay Ma’am Sharon talaga namana ni Miss KC yung kababaang loob, grabe.”
“Sana ol!”

***

SENATOR ROBIN ‘KAHIT MGA KAAWAY DAPAT PA RING RESPETUHIN’

Binasag ni Sen. Robin Padilla ang katahimikan tungkol sa engkwentro nila ng dating hepe ng PNP na si Nicolas Torre III.

Ang dami kasing nagtanong nang makitang nakikipag-usap at may kamayan pang naganap sa magkabilang kampo.

Binatikos ng Senador ang mga tanong kaugnay ng kanyang pakikipag-usap sa dating hepe ng Philippine National Police.

Hindi maikakaila na mayroong malaking pagkakawatak-watak sa gobyerno ng Pilipinas ngayon.

Tulad nang hindi pagkakasundo nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Pangalawang Pangulo Sara Duterte.

Ang alitan ay nagsimula sa pag-aresto at paglilipat ng kustodiya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ama ni VP Sara sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.

Inaresto si Duterte ng mga awtoridad ng Pilipinas na tumulong sa International Criminal Police Organization (Interpol) kung saan ang isa sa mga pangunahing nagpatupad ng pag-aresto at pagkakakulong ay ang noo’y hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na si Nicolas Torre III.

Si Torre ang nanguna sa mga pangyayari sa Villamor Air Base kung saan ikinulong si Duterte nang ilang oras matapos siyang arestuhin. Nang araw ding iyon, inilabas ng bansa ang dating Pangulo para sa paglilipat ng kanyang kustodiya sa ICC.

Hindi mabilang na kritisismo ang ibinato laban sa dating hepe ng CIDG na naging hepe ng PNP ilang linggo matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.

Nagbigay ng reaksiyon ang ilang senador na kaalyado ng dating Pangulo Duterte at isa sa mga nanawagan para sa pagbabalik ni Duterte ay si Sen. Robin Padilla.

Maikli lang ang naging panunungkulan ni Torre bilang hepe ng PNP.

Kamakailan ay nagkita sina Padilla at Torre sa isang kaganapan kasama si Quezon City Mayor Joy Belmonte:

Sa pamamagitan ng isang post sa social media, binasag ni Sen. Robin ang kanyang katahimikan hinggil sa mga tanong tungkol sa pakikipagkamay sa MMDA chairman na ngayon, na si Torre III.

Binigyang-diin ng Senador ang linya ni Haring Priam sa pelikulang pinamagatang Troy na “kahit ang mga kaaway ay kayang magpakita ng respeto”.

Aniya sa post, “Bakit daw kami nagbabatian at nag-uusap ni MMDA chairman Torre, Pambihira talaga, bagamat aso ang tingin niyo sa amin 2 dahil sa aming loyalty sa aming mga Amo hindi ibig sabihin na ganoon din ang ugali namin. ..

Sabi nga ni king Priam kay Achilles sa pelikulang Troy, Even enemies can show respect”

Maganda ang naging halimbawa ng senador sa mga kaaway na sana ay ganun din ang gawin ng ibang mambabatas.