Advertisers

Advertisers

“Pop Rock Diva” Rozz Daniels, Magre-recording Ng Hit Na OPM Jukebox Noong 80’s; Bambi Moreno, Ratsada Sa Guesting At Gusto Ng Villain Role

0 55

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

Magmula ng dumating sa Pinas from Wisconsin. Sunod-sunod na ang showbiz activities ng “Pop Rock Diva” at “Independent Concert Queen” Na Si Rozz Daniels. Yes after ng successful solo concert nito sa Viva Cafe last November ay naimbitahan naman ng Cruz family si Rozz para maging Chairman of the Board of Judges ng kanilang Singing Contest sa Brgy Nigui Sitio, Masantol Pampanga. At today(January 28) ay magre-recording naman si Rozz ng revival niya ng Jukebox hit noong 80’s na “Bulong Ng Damdamin” popularized by Marissa Tubig and composed by iconic composer Doc Mon del Rosario. And this time iniba ni Mon ang aregalo ng kanta na mala GEN Z ang tunog at tinaasan ang tono na babagay sa boses ni Rozz. Mabilisan lang ang preparation pero ito ire-record na ng Pop Rock Diva ang kanyang bagong single na soon ay madidinig na sa mga popular na Digital Music Platforms gaya ng Spotify, Apple Music, iTubes at iba pa. At siyempre sa official Facebook Page at Youtube Channel ni Rozz. Excited na ito sa kalalabasan ng song na for us ay magiging maganda ang resulta.

Posibleng i-guest ni Rozz, sa pinaplanong concert ang original singer ng Bulong Ng Damdamin na si Marissa also Karl Aris Tanhueco na Grand Champion ng singing contest sa Masantol Pampanga.

May ganap rin si Rozz ngayong February 8. Siya ang celebrity guest sa opening ng Filipino Seafood Restaurant sa Paseo de Sta. Rosa Mall, Sta. Rosa Laguna. Si Rozz ang siyang magka-cut ng ribbon sa nasabing grand opening. Agad namang nag-post si Rozz, ng kanyang pasasalamat sa owners ng resto na nag-invite sa kanya.

“I’m looking forward to be one of your guests to cut the ribbon on your grand opening business restaurant name “Filipino Seafoods” and it’s an honor to get invitation like this. Thank you so much to the new owners; May God bless you(with hearts and prayer emojis).

***

Nagbalik ang pagiging celebrity ni Bambi Moreno na dinumog ng guestings sa iba’t ibang Showbiz Vlogs. Yes aside sa guesting ni Bambi sa DZRH ay naimbitahan siya sa Marisol University nina Mildred Bacod, Rodel Fernando, at Rommel Placente. She guested aslo at Showbiz Pulis hosted by Roldan Castro. Parehong napanood sa Abante Online ang mga nasabing Vlog. Na-meet pa rito ni Bambi ang anak ni Jeric Raval na si Sean. Infairness, bagay sila. Napanood rin pala si Bambi sa radio program nina Ms. F o Fernan de Guzman at Joey Austria na ‘D SHOWBIZ AUTHORITY sa DWAN Radio sa IBC 13. Nagdaos pa ng mediacon ang sosyalerang transwoman na based sa bansang Japan.

Samantala, feel rin ni Bambi na balikan ang kanyang acting career, kapag may offer na darating. And gusto niya ay villain role na mananampal at magtataray gaya ng mga la primerang contravida sa TV at movies na sina Jean Garcia at Gladys Reyes. Si Bambi Moreno, ay ang dating actor na si Arthur Benedicto na moreno, gwapo, at malakas ang sex appeal.