Advertisers
KUNG gusto ni Zaldy Co makipag-usap sa gobierno para maayos ang kanyang problema, dapat ibalik muna niya ang $1 billion (higit P55 billion).
Ito ang nais mangyari ni Interior Secretary Jonvic Remulla kung siya ang magdedesisyon.
Say ni Jonvic, bilyones ang kinita ni Zaldy Co sa kickbacks sa mga government project nung ito ang tserman ng makapangyaring House Committee on Appropriations sa ilalim ni noo’y Speaker Martin Romualdez.
Actually tandem itong Co at Romualdez noon eh. Kaya imposibleng hindi nagkaroon ng share ang pinsan ni Pangulong BBM. Mismo!
Si Co ay hindi na nagpakita sa publiko simula nang paim-bestigahan ni PBBM ang multi-billion flood control projects, na natuklasang marami rito ay “ghost” o hindi nagawa pero kinubra ang bayad, at ang mga nagawa naman ay sobrang substandard!
Nakakulong na ang mga DPWH engineer at ilang kontraktor na sangkot sa anomalya.
Pero ang itinuturong utak ng lahat ng katiwaliang ito, si Zaldy Co, ay nagtatago sa labas ng bansa. Ang kanyang assets ay naka-freeze na.
Ayon kay Sec. Jonvic, may info na nasa Portugal si Co. Mayroon daw kasi itong Portuguese passport. Nakatira daw ito sa isang exclusive subdivision at hindi lumalabas ng bahay.
Walang extradition treaty ang Pilipinas sa Portugal. Kaya nahihirapan ang ating gobierno na arestuhin si Co kung nasa Portugal nga ito.
Pero ayon kay Jonvic, gagawin nila ang lahat para maiuwi sa Pinas si Co. Nagpadala na nga ito ng mga pulis sa Portugal para kumpirmahin kung nandun nga ang wanted nang “bossing” ng dambuhalang kontraktor ng gobierno na Sunwest Construction.
Balikan natin ang inilatag na kondisyon ni Jonvic para pumayag sa gusto ni Zaldy Co na makipagkasundo sa gobierno. Batid natin multi-billionaire na itong si Co, kayang kaya ni-yang magbalik ng 1 billion dollar kung nanaisin niya. Kaya malamang ay pumayag ito sa formula ni Jonvic.
Pero may isa pang choice si Co, ang hintayin matapos ang termino ni PBBM at mawala sa puwesto ang mag-utol na Ombudsman Boying at DILG Sec. Jonvic Remulla. Ito’y sa 2028.
Kaso, paano kung kaalyado ni PBBM ang sunod na pangulo, halimbawa si Jonvic? Aba’y lalong ‘di na s’ya makababalik sa Pinas, at hindi narin makakakuha ng kontrata ang Sunwest sa DPWH. Mismo!
Speaking of presidential Jonvic, puedeng puede ito. Kaya nitong gumastos ng bilyones. At malaki ang balwarte ng Remulla. Jonvic 2028.