Advertisers
TILA yata KINUKUNSINTI NG KANILANG mga superior OFFICER ang dalawang BAGMAN na nakadetine sa Manila Police District (MPD).
Ang dalawang ENKARGADO ay nai-ulat na ng maraming beses ngunit wa epek din dahil tuloy pa rin hanggang sa ngayon ang kanilang ginagawang kalakaran sa kanilang nasasakupan.
Ang mga BAGMAN na tinutukoy dito ay sina “Tata Rovic” na may hawak umano ng buong Manila at nakadirekta mismo Kay MPD Director Gen. Abad.
Lahat anila ng mga illegal vices sa buong lungsod ay may patong itong si Tata Rovic tulad ng mga illegal bookies, ez-2 at marami pang iba.
Bukod pa anila sa mga tarang HINIHINGI nito, napag-alaman na siya na mismo ang kapitalista ng ilan mga bookies na kung saan sa kanya mismo nalalaban.
Maliban dito ay may kinu-kuha rin itong lingguhang tara sa mga vendor sa buong Manila. Anything under the heat of the na pagkakaperahan ay present ito.
Ang isa pang sikat na ENKARGADO ay kini-lalang Isang “Tata CONWEE” na may hawak naman ng MPD-PS 11 at direkta rin sa kanyang station commander na si Col. Villanueva.
Lahat halos NG MGA vendor sa kanyang hurisdiksiyon ay humahagulgol dahil masyado daw itong malupit at hindi pwedeng pakiusapan.
Maki-kita naman daw ang pruweba na talagang malakas itong kumita. Mantakin niyong nakabili daw AGAD ito ng dalawang SUV sa loob lang ng anim na buwan.
Tumiba daw ito ng gusto noong bago mag Bagong Taon na kung saan lahat ng may PWESTO na nagtitinda ng PAILAW at PAPUTOK ay obligadong mag-bayad ng P200,000.
Kung Ikaw naman daw ay karaniwang vendor lang, P5,000 naman ang iyong obligasyon.
Di naman daw nakapagtataka na makabili ito ng dalawang ssakyan sa loob lang ng anim na buwan.
Itong pagpasok ng 2026, napabalitang sinibak na daw itong si CONWEE at pinalitan na NG bago ngunit maliwanag na fake news daw ito.
Sinabi NG MGA vendor na moro-moro lang daw ito at scripted lang dahil hanggang sa kasalukuyan daw ay si CONWEE pa rin ang nagdadala ng martsa.
Maaaring pinaputok lang ang balitang bago na ang BAGMAN ngunit ito anila’y front lang at maliwanag na isa lang symbolic figure ang pumalit kunong BAGMAN.
Ang matinding tanong dito ay kung talaga bang KINUKUNSINTI sila ng kanilang mga opisyal sa kanilang gina-gawang kalakaran?
Kung totoo, matic na may blessing at basbas sila kung kaya’t ganon na lang ang lakas ng loob ng dalawang ito, di po ba?
Nakakarating naman kaya ito sa mga higher ups tulad nina NCRPO Chief Gen. Aberin at Kay PNP Chief Gen. Nartatez, siguradong hindi dahil hindi naman sila kukunsintihin ng mga ito… marangal at may prinsipyo ang dalawang mamang ito… malalaman natin he… he… he…