Advertisers

Advertisers

Denise Frias handang magbalik-showbiz, priority ang pagiging abogada

0 15

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

ANG dating aktres na si Denise Frias ay game magbalik-showbiz. Ito ang nalaman namin, nang makahuntahan siya recently.

Aniya, “Yes po, may balak din po akong magbalik sa showbiz. Kumbaga po, second priority ko po siya. Kung mayroon pong opportunity, iga-grab ko po as long as ‘di po siya conflict sa pagiging lawyer ko. Basta hindi ko po mapapabayaan yung trabaho ko bilang lawyer, so puwedeng-puwede naman po.”

Isa si Denise sa mapalad na nakapasa sa katatapos na bar exam ngayong buwan.

Nag-start si Denise sa showbiz noong 2015 via “Ang Probinsiyano,” first project niya ito at ang kaeksena niya agad dito ay si Coco Martin. Kaya magandang buwena-mano ito sa kanyang career. Ang last project naman niya ay ang indie film na “Para sa Pagbabalik ni Christian” na pinagbidahan nina Lotlot De Leon and Martin Escudero.

Ano ang pakiramdam niya bago lumabas ang results ng bar exam? “Three days bago po lumabas yung results, kinakabahan na po ako, hindi ako mapakali. Pero the day before po lumabas yung results, ipinagdasal po ako ng isang priest sa Bacnotan Church. Nawala po yung kaba ko after po niyon.”

Dagdag pa ni Denise, “Noon naman pong lumabas na po yung results at nalaman kong nakapasa ako, una ko pong ginawa ay nag-pray po kami kay Lord at nagpasalamat. Hinug ko po yung mga kasama ko sa bahay, nagpasalamat din ako sa kanila and sunod-sunod na po yung tawag noon sa akin from family, co-workers and friends…

“Nag-thank you ako sa kanila, ang naisip ko noong mga panahon po na yun, ise-serve ko po yung purpose ng pagpasa ko na ipinagkaloob sa akin ng Panginoon. Sobrang saya ko po, pero lagi sa akin sinasabi ng parents ko and mga tita and tito ko na privilege lang ito, have confidence pa rin, kailangan po yun pero huwag ko raw po kalimutan maging humble.”

Ngayong Atty. Denise na ang tawag sa kanya, ano ang kanyang nararamdaman? “Technically, hindi pa po ako matatawag talaga na Attorney since ang oath-taking and signing of rolls ay sa February 6, 2026 pa po, sa Philippine Arena sa Bulacan po. Pero, overwhelmed po ako na natatawag na po ako ng mga tao ngayon bilang attorney,” nakangiting sambit pa niya.

Nabanggit din niya ang mga nais pasalamatan. “Gusto ko pong pasalamatan, unang-una si Lord, Siya ang nag-guide sa akin, ang family ko, especially my parents and siblings, dahil sobrang supportive po nila.

“Thanks din po sa mga naging teachers ko since elementary to high school, lahat po ng professors and instructors ko sa FEU noong college, professors ko po sa DMMMSU College of Law, unang-una si Dean Buccat, Atty. Camat, Atty. Caroy, lahat po silang naging professors ko, mga classmates ko po sa Law School, former bosses ko po, Maam Gina, malambing at supportive po iyan, si Atty. Wailan, strict pero napakabait po niyan, Maam Evelyn, parang nanay ko na po iyan, Atty. Rozzanne na very supportive po sa akin niyan, co-workers ko po sa LMB, DepEd, DSWD at co-workers ko po sa DMMMSU Legal Services Unit.

“Pati friends ko rin po sa showbiz industry, pati na rin po sa friends ko both in Manila and Pangasinan. Thank you po sa City of San Carlos, Pangasinan and Municipality of Lingayen, Pangasinan.”

Nag-aral ng Law si Denise sa San Sebastian College-Recoletos Manila, then lumipat sa Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) sa La Union hanggang sa nakapagtapos.