Advertisers

Advertisers

NAG-AMOK NA PASAHERO NA BITBIT ANG KUTSILYO BINOGA NG AIRPORT POLICE

0 9

Advertisers

BIINARIL ng mga pulis ang Isang 54-taong-gulang na guwardiya matapos umanong manlaban sa inspeksyon at tangkang saksakin ang isang opisyal sa Iloilo International Airport sa bayan ng Cabatuan noong Miyerkules ng hapon, Enero 28.

Nangyari ang insidente bandang 4:44 p.m. noong Miyerkules, sa pre-departure area ng paliparan, ayon sa ulat mula sa Iloilo Police Provincial Office (IPPO).

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Roland B. Lañojan, isang guwardiya at residente ng Tayong, Sagay, lalawigan ng Camiguin.

Sa inisyal na impormasyong ipinadala sa Iloilo Aviation Police Station, sinabing hinarang ng mga tauhan ng Office of Transportation Security ang isang pasaherong tumanggi sa inspeksyon sa central security screening checkpoint matapos matunton ang isang matalim na armas sa loob ng kanyang bagahe sa pamamagitan ng X-ray machine.

Rumesponde ang mga tauhan ng Aviation Security Unit 6 (AVSEU-6), sa pangunguna ni Police Executive Master Sgt. Dixon E. Zabala, kasama si Police Senior Master Sgt. Mark Lester A. Deocades at Patrolman Ramon D. Marcelino Jr., upang beripikahin ang ulat at hiniling sa pasahero na isuko ang kutsilyong hawak niya.

Sinabi sa ulat na tumanggi ang suspek na sumunod at sa halip ay tinangka niyang saksakin si Zabala nang ilang beses. Nakaiwas ang opisyal sa mga pag-atake at pagkatapos ay bumunot ng kanyang baril, binaril ang suspek nang isang beses at tinamaan ito sa balikat.

Agad na tumulong ang mga medical personnel ng paliparan at dinala si Lañojan sa Western Visayas Sanitarium Hospital sa Barangay Bolong, Sta. Barbara, Iloilo. (JOJO SADIWA)