Advertisers

Advertisers

Paghahain ng COC para sa 2026 BSKE 2026, gaganapin sa Set. 8 hanggang Okt. 5 – COMELEC

0 13

Advertisers

Alinsunod sa Comelec Resolution No. 11191, itinakda na ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahain ng kandidatura o Certificates of Candidacy (COCs) para sa idaraos na 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (2026 BSKE).sa Setyembre 28 hanggang Oktubre 5, 2026.

Ang resolusyon ay inilabas ng poll body nitong Enero 28, 2026 at nagtatakda ng calendar of activities para sa naturang halalan.

Ayon kay Comelec Chair George Erwin Garcia, nakasaad sa nasabing resolusyon na magsisimula naman ang election period sa Oktubre 3 at magtatapos sa Nobyembre 9, 2026 at sa naturang panahon ay magpapatupad rin ng gun ban ang Comelec o yaong mahigpit na pagbabawal sa pagdadala ng baril at iba pang nakamamatay na armas sa mga pampublikong lugar.

Kaugnay niyan, inihayag ni Garcia na mahigpit ring ipagbabawal ang paggamit ng private security personnel o bodyguards ng mga kandidato, organisasyon ng reaction o strike forces, suspensiyon ng elective officials, at paglilipat o pagtatalaga ng mga civil service employees.

Samantala, sinabi ni Comelec spokesman Atty. Rex Laudiangco na magsisimula naman ang panahon ng kampanyahan mula Oktubre 22 hanggang Oktubre 31, kung kailan mahigpit na pinagbabawalan ang mga kandidato na mamigay ng anumang donasyon o regalo sa mga botante, in cash man o in kind at hindi rin pinahihintulutan ang pag-aalis o pagsira ng lawful campaign materials at paggamit ng illegal campaign propaganda.

Sa Nobyembre 1, na bisperas ng halalan, hindi na paahihintulutan pa ang pangangampanya ng mga kandidato at magpapatupad na rin ang mga awtoridad ng liquor ban o yaong pagbabawal sa pagbebenta at pag-inom ng alak, gayundin ang pagtanggap o pamimigay ng libreng transportasyon, pagkain, inumin at iba pang mahahalagang bagay sa mga botante, dagdag pa ni Laudiangco.

Ani Laudiangco, idaraos naman ang mismong araw ng halalan sa Nobyembre 2, mula 7 a.m. hanggang 3 p.m. at kaagad itong susundan ng pagbibilang at canvassing ng mga boto, gayundin ng proklamasyon ng mga nanalong kandidato.

Samantala ay itinakda naman ng Comelec ang deadline para sa paghahain ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Disyembre 2.

Alinsunod sa Republic Act 12232, ang BSKE 2026 ay itinakda sa unang Lunes ng Nobyembre. (JERRY S. TAN)