Advertisers

Advertisers

Toni Gonzaga, Masayang Nag-celebrate Ng Birthday Sa Singapore Kasama Ang Hubby Si Direk Paul At Mga Anak; Alex Gonzaga, Pinarangalang “Most Outstanding Comedianne” Sa 8th Gawad Lasallianeta Award

0 37

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

Last January 20, ang birthday ng Best and most awarded Host ng bansa na si Toni Gonzaga. At bago tumulak patungong Singapore with husband director and film producer Direk Paul Soriano and their kids Seve and Polly. Sa meeting nila for her most watched talk show na “TONI TALKS” in her TGS channel in Youtube. Ay tinreat lahat ni Toni ang kanyang masisipag na staff sa isang sikat na Resto. Enjoy, siyempre ang lahat sa blowout sa kanila ng ating unfading Ultimate Multimedia Star.

Like her youngest sister Alex Gonzaga ay very blessed year ang 2025 kay Toni na may mga bagong endorsement like AURUM by Hikari Skin Essentials with Alex, THEOBROMA COFFEE MIX, Etc. Kaya sine-share lang ni Toni ang kanyang blessings na natatanggap mula sa Itaas. Yes hindi lang nasusulat pero generous na boss at kaibigan itong si Toni. At maging sa mga relatives nito ay galante rin ang TV host-Actress. Namana ito ni Toni at Alex sa kanilang Mommy Pinty na bukas palad rin.

Nasa Singapore sina Toni at Direk Paul at beautiful kids Seve and Polly kasama ang dalawang yaya. At sa dinner treat ni Direk Paul sa kanyang Only one wife. Kitang-kita sa mukha ni Toni na masaya siya at contended sa kanyang married life. Kaya tigilan na ang pang-iintriga sa showbiz couple. Dapat kasama sa trip na ito sina Mommy Pinty at Alex dahil gusto silang makasama ni Toni sa Singapore. Kaso, hindi pwede dahil parehong may committment ang dalawa. Samatala, dinagsa pala ng pagbati sa social media si Toni at mga kakilala at kaibigang kapwa celebrities na sina Bianca Gonzales at Mariel Rodriguez. Sila ang PBB Angels. At may mensahe pala si Mariel para sa bff na birthday celebrant. “More than 20 yrs of friendship and so many seasons of life later, and here we are. We’ve grown, changed, and taken on so many roles, but the friendship has always stayed. That’s something I’m truly grateful for,” Caption pa ni Mariel sa kanyang IG for her greetings to Toni. And her wish, “love, laughter, and all the good things we deserve.”

***

Super blessed naman ang year 2025, ng isa Top Vloggers ng bansa na si Alex Gonzaga. Yes ilang produkto ang ang inendorso ni Alex. Kabilang na diyan ang Chef Ayb’s Paragis na hindi lang sila endorsers ng husband si Lipa Vice Mayor Mikee Morada, at parents na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy Gonzaga kundi co-owner na rin ito. At mabilis ang pag-unlad ng sales ng Chef Ayb’s Paragis herbal Tea and Capsules na mabibili na rin sa iba’t-ibang bansa.

Inilunsad rin si Alex at sister na si Toni Gonzaga bilang mga celebrity endorsers ng AURUM ng Hikari Skin Essentials. At ngayong Feb 3 ay contract signing naman ni Alex para sa bago nitong endorsement, na hindi pa pwedeng i-divulge, kung anong product ito?

Tumanggap pala ng bagong parangal si Alex mula sa 8th Gawad Lasallianeta Award, kung saan itinanghal siyang “Most Outstanding Comedianne.” Ginanap ito last Jan 26 sa Activity Center ng De La Salle Araneta University. At hindi man nakarating si Alex para tanggapin sana ng personal ang parangal. Pinapunta naman nito ang husband si VM Mikee para ito na ang tumanggap ng kanyang award. At agad na humingi ng paumanhin sa kanyang social media account si Alex sa hindi niya pagdalo sa awarding ceremony. “I really asked my husband to personally recieve this award on my behalf because I truly appreciate all the students who voted for me. Sorry I coudn’t be there, but maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Love you all, De La Salle Araneta University! Ang tatalino talaga ng mga Lasallians d’yan! Hehehe.” Pahayag pa ni Alex, sa kanyang post.