Advertisers

Advertisers

KALOKOHAN NI MARCOLETA

0 27

Advertisers

PAGDATING  sa mga patalong adhikain, simulain, at gawain, nangunguna sa lahat si Rodante Marcoleta. Tumayo siyang abogado ng mga Discaya at ipinagdiinan na hindi kailangan ibalik ang kanilang dinambong na salapi ng bayan upang maging state witness.

Pinanindigan nya ang baluktot na katwiran kahit ibinisto siya na mas magagaling na manananggol na hindi naayon sa batas ang kanyang paninindigan. Dapat ibalik ang ninakaw upang maging state witness ang sinumang kriminal, ayon sa mga mas magaling sa kanya.

Ngayon, abogado ng Tsina si Rodante Marcoleta. Hindi niya alintana kung tawagin siyang taksil sa bansang umaruga sa kanya. Sukdulan na maging traydor sa Filipinas si Marcoleta.

Tumayo pa mandin sa bulwagan ng Senado upang ipagdiinan ang kanyang kabobohan tungkol sa usapin ng pangangamkam ng Tsina sa teritoryo ng Filipinas sa kanyang Exclusive Economic Zone (EEZ).Wala umano coordinates sa mapa ang ipinaglalaban ng Filipinas na teritoryo nito sa ilalim ng international law, ani Marcoleta.

Pinagtawanan ni Tony Carpio, ang retiradong mahistrado ng Korte Suprema, ang tinuran ni Marcoleta sa Senado. Ibinigay ng international law o UNCLOS ang coordinates, ayon kay Carpio. Ngunit hindi ito alam o naiintindihan ni Marcoleta, aniya.

Ayon kay Carpio, ang Nine-Dash Line ng Tsina ang walang coordinates. Supalpal si Marcoleta na hindi nahihiyang tawagin siyang isang Makapili. Kundi ba kabobohan ang kanyang sinasabi sa Senado..

Ang pinakamalaking problema ni Rodante Marcoleta ay hindi siya nag-aaral o nagbabasa man lamang. Masyadong limitado ang kanyang alam sa isyu. Hindi malawak. Kapag sinusupalpal siya, hindi na siya kikibo kasi salat na salat siya sa kaalaman. Labis na kamangmangan ang suliranin ni Marcoleta at hindi siya nahihiya ipakita ito sa madla.

***

BINABATI namin si Naga City Mayor Leni Robredo sa kanyang desisyon na hindi lumahok sa proseso upang piliin ang kandidato ng demokratikong puwersa sa halalang pampanguluhan sa 2028. Maiging naintindihan ni Leni na hindi siya mahalaga sa proseso. Tanging ang mga tagahanga lang niya ang nagpipilit na isabak siya sa 2028. Huwag at hindi ang tingin ng pitak na ito. Pinakamagandang hayaan niya ang lahat sa kasapian.

****

MALAPIT na ang ika-6 ng Pebrero at nakikita namin ang dalawa o tatlong impeachment complaint na maaaring isumite sa Camara de Representante. Unang-una ang muling paglalatay ng impeachment complaint ng civil society organization.

Hindi namin alam kung mayroon plano ang mga grupong maka-Kaliwa. Mukhang naka-focus sila sa inihatag nilang impeachment complaint laban kay BBM. Nakakalito ang grupong Maka-Kaliwa tulad ng Makabayan Bloc. Hindi alam kung ano ang gusto. Mas lalong hindi sila marunong matuwa.

Ito ang dahilan kung bakit hindi lumaki ang grupong maka-Kaliwa. Bansot pa rin. Wala kaming nakikitang mga bagong lider na sumibol upang palitan ang  ibang nagtandaang lider.

*

MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “President Marcos has been clear and consistent: we will defend what is ours, anchored on law and diplomacy.“Our soldiers, Coast Guard personnel and fishermen are on the frontlines every day. While others debate, Filipinos stand watch.” – Kin. Paolo Ortega V

“To the Chinese Embassy officials: You do not have the moral authority to lecture Filipinos about freedom of speech—because freedom of speech does not exist in your country.” – Sen. Erwin Tulfo

“We can expect more delaying tactics from Kaufman because he simply cannot defend Duterte in the trial proper. He will continue to harp on Duterte’s supposed mental incapacity to stop the trial. But he can only do so much in his dilatory tactics. In the end, Duterte will still face justice and pay for his crimes. Duterte cannot boast of iron will and total control for years, then plead mental unfitness when finally called to account. This ruling tells victims that in the reckoning of Duterte at the ICC, their voices will not be sidelined by technical evasions.” – Leila de Lima

***

Email:bootsfra@yahoo.com