Advertisers

Advertisers

Sen. Legarda inalok na maging SP – Sotto

0 24

Advertisers

KINUMPIRMA ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na inalok si Senador Loren Legarda na maging Senate President.

Ayon kay Sotto, sinabi mismo sa kanya ni Legarda ang naturang impormasyon noong isang araw.

“Sinabi niya hindi siya interesado,” wika ni Sotto kung saan “solid” din si Legarda sa majority group.



Tiwala si Sotto na matatag ang buong majority group sa Senado, at may posibilidad pa aniyang madagdagan ang kanilang bilang, kabilang ang ilang matagal na umano nilang kausap.

“Ang buong majority namin, very solid. As a matter of fact, baka mga dalawa, mga isa sa mga ‘di namin kasama dati, baka mapasama pa eh,” patuloy niya.



Ang alok aniya ay kay Legarda ay nagmula sa minorya ngunit tumanggi siyang tukuyin kung sino ang nag-alok, at ang mga katanungan patungkol dito ay dapat na idirekta kay Legarda.

“I’d rather not dwell into it already. Ayoko nang pag-usapan kasi they were merely talks… siya na lang tanungin niyo,” dagdag ni Sotto. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">