Advertisers
Ni Rommel Gonzales
Pinapirma na ng Nathan Studios/Nathan Studios Artist Management na pag-aari nina Sylvia Sanchez at Ria Atayde ang mga cast members ng I’mPerfect na mga artistang may Down Syndrome na pinangungunahan ni Krystel Go na nagwaging Best Actress sa nakaraang 51st Metro Manila Film Festival at lead actor ng pelikula na si Earl Amaba.
Talent na rin ng Nathan Studios ang Time To Dance grand winner na si Ice Almeria.
Ang Time To Dance ay dance reality competition last year hosted by Gela Atayde
At sa ginanap na contract signing nila ay madamdamin at puno ng emosyon ang naging speech ni Sylvia.
Narito ang kabuuan ng mga sinabi ng aktres bilang pagwe-welcome sa kanilang mga bagong contract artists.
“Magandang araw sa ating lahat. First and foremost, thank you all for being with us today.
Today is a very special day for Nathan Studios and, more importantly, for our artists. Hindi lang ito contract signing—ito ay simula ng isang pangarap na sabay-sabay nating binubuo.
Sa Nathan Studios, naniniwala kami na ang talento ay walang limitasyon. Hindi ito nasusukat sa labels, kundi sa puso, sipag, at tapang na ipakita ang sarili sa mundo. These artists, our angels, our persons with down syndrome, are full of raw skills, creativity, at isang klase ng authenticity na bihirang-bihira. Totoo, buo, at galing mismo sa puso.
Bago pa man magsimula ang pelikulang I’MPERFECT, nakikitaan na namin kayo ng potensyal. We believed in you even before the cameras rolled—before the lights, before the applause. And recently, that belief was proven true when you made history at the Metro Manila Film Festival: Best Picture, Best Actress for Krystel Go, and Best Cast Ensemble. Isang napakalaking tagumpay—hindi lang para sa pelikula, kundi para sa bawat pangarap na pinanghawakan ninyo.
We see your potential. We see your hard work. And most of all, we believe in you. Hindi lang bilang artists, kundi bilang individuals na may boses, kwento, at liwanag na kayang magbukas ng isip at puso ng marami.
Maliban sa aming artists sa I’mPerfect, Ito rin ay contract signing ng Nanalo sa aming dance competition na Time To Dance sa ABSCBN na si Ice. Although we are primarily a production company, itong contract signing namin ay paraan namin para ma-honor ang artists namin to watch them grow from one project to the next — sa showbiz man o sa labas nito.
Hindi namin ipapangako ang langit at lupa. Pero isang bagay ang sigurado… gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para samahan kayo, gabayan kayo, at tulungan kayong maabot ang inyong mga pangarap.
Ang kontratang ito ay simbolo ng tiwala—tiwala namin sa inyo, at tiwala ninyo sa amin. At sa puntong ito, nais din naming magpasalamat sa mga magulang—salamat sa walang sawang suporta, tiwala, at pagmamahal na siyang pundasyon ng lakas ng mga batang ito.
Welcome to Nathan Studios.
This is just the beginning and we are so, so proud to be on this journey with you.”