Advertisers
TUMPAK si Senador Raffy Tulfo sa pagkuwestyon at pagpuna sa nakabalandrang larawan o pagmumukha ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco sa mga karatula o tarpulin ng tourism, na dapat ay magagandang mga larawan ng Pilipinas ang naka-print dito.
Inihalimbawa pa ng senador ang mga bansa ng Indonesia, Malaysia, Vietnam at iba pang karatig Southeast Asia na walang makikitang larawan ng kanilang opisyal sa promotion tarps ng kanilang turismo kundi pawang nakakabighaning larawan ng kanilang tourist spots.
Ang palusot ni Frasco, pinatatanggal na niya ito sa regional offices ng Tourism. Pati siguro yung nakabikini niyang larawan sa Boracay. Hehehe…
Post kasi ni Ramon Tulfo, ang big brother ni Raffy, may nakabikining larawan sa Boracay si Frasco. Mabuti raw sana kung maganda ang katawan eh parang isang taon na raw ito na hindi nakakain.
Pangit daw si Frasco. Hahaha…
Tungkol sa kanyang pagiging visible, ginawa n’ya raw ito hindi para i-promote ang kanyang sarili kundi “I’m simply working”.
Kahit ano pang gawing rason ni Frasco tungkol sa nakabalandrang pagmumukha niya sa mga tarpulin ng tourism, mahirap paniwalaan na kaya ginawa niya ito ay dahil siya’y nagtatrabaho, kundi ginawa niya ito para makilala siya ng husto, siguro dahil sa ambisyong makapasok sa national politics sa 2028. Hmmm…
Si Frasco ay anak ng dating Cebu governor na kapatid ng dating kontrobersiyal na GSIS big boss.
***
Binawi nina Senador Juan Miguel Zubiri, JV Ejercto at Sherwin Gatchalian ang kanilang pirma sa draft report ng Seate Blue Robbon Committee sa flood control anomaly. Kung anong rason? Kayo na ang mag-isip…
Matatandaan na inirekomenda ng draft report ang pagsasampa ng malversation of public funds, plunder at iba pang kasong kriminal laban kina Sen. Chiz Escudero, Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, ex-Sen. Bong Revilla, ex-Congressman Zaldy Co at ex-Congw. Mitch Cajayon.
Sa mga nabanggit na personalidad, si Revilla palang ang nakakulong.
Pare-pareho ang kanilang kaso: ‘Kickback’ sa flood control funds, rason ng ghost at subtandard infrastructures.
***
Dapat palitan na ni PNP Chief, General Jose Melencio Nartatez, ang direktor ng CALABARZON na si Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas. Aba’y masyado nang talamak ang mga sindikato at mga iligal sa kanyang erya – droga, paihi at iba’t ibang uri ng sugal.
Ang pinakamasaklap rito, sangkot ang kanyang kanyang field commanders sa mga iligal na ito. Mismo!
Sa tagal na ni Lucas sa CALABARZON, lalo lang naging talamak ang mga iligal/sindikato ng droga at paihi. Magkano ba, Sir?