Advertisers

Advertisers

PBBM pinangunahan ang paglulunsad ng TESDA Passport Mobile Application

0 5

Advertisers

PINAGTIBAY ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patuloy na suporta ng gobyerno para sa edukasyon at pagsasanay, at sinabing mahalaga ang papel ng dalawang sektor upang magtagumpay ang mga Pilipino sa hanapbuhay.

Sa seremonyal na paglulunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Skills Passport Mobile Application nitong Huwebes, idiniin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng edukasyon at kasanayan sa paghubog ng masaganang kinabukasan.

Pinunto ni Pangulong Marcos ang patuloy na pagsisikap ng gobyerno na palakasin ang mga sektor na ito, na makikita sa paglalaan ngayong taon ng mahigit PhP1 trilyon para sa edukasyon at halos PhP20 bilyon para sa TESDA – ang pinakamalaki sa kasaysayan ng ahensya – para sa mga scholarship at programa sa skills training.



Kayat mas maraming Pilipino ang sinasamantala ang mga pagkakataon sa pagsasanay at scholarship, binanggit ng Pangulo ang kahalagahan ng TESDA Skills Passport bilang isang all-in-one, user-friendly na app na nagbibigay ng mahahalagang impormasyon tulad ng mga pagsasanay sa TESDA, scholarship, oportunidad sa trabaho, TESDA-accredited na institusyon, at online na mga kurso sa pagsasanay.

Sabi pa ng Punong Ehekutibo, bahagi na ang teknolohiya sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao kaya ang mga digital tools tulad ng TESDA Skills Passport ay makakatulong sa mga Pilipino na makakuha ng mas maraming oportunidad sa trabaho at mapabuti ang kanilang kabuhayan.



Hinimok ng Pangulo ang mga kabataan, mga iskolar ng TESDA, at lahat ng nais matuto ng mga bagong kasanayan na lubos na pakinabangan ang bagong app.

Ang TESDA Skills Passport Mobile App ay mada-download sa Apple App Store at Google Play. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">