Advertisers

Advertisers

SP Sotto: Walang term sharing kay Sen. Legarda

0 3

Advertisers

NILINAW ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi “term sharing” ang napag-usapan sa Majority bloc kaugnay sa pagpapalit ng liderato sa Senado.

Ayon kay Sotto, plano nilang paupuin si Legarda bilang kauna-unahang babaeng Senate President matapos ang 20th Congress.

Una rito, sa larawang ipinost sa Meta (dating Facebook) ni Sen. Kiko Pangilinan, napag-usapan ang term-sharing agreement sa isang lounge talk sa Senado na dinaluhan ng siyam na miyembro ng majority bloc, kabilang sina Sotto at Legarda.



“Ano yan, biro lang ni Kiko nung umpisa, si Francis nung umpisa yan. Nandito kami sa likod,” wika ni Sotto.

“Tapos ako sa taas, bumaba ako, bumaba kami sa lounge. Sabi namin, binibiro-biro nila si Loren. Tapos ang naisipan namin, kami-kaming naisipan, siguro mabuti nga,” aniya.



“Gusto nila magkaroon ng first woman Senate president. Sige gawin natin. Sabi ni Zubiri, kahit may last 2-3 months ng term mo, sabi niya sige kako bakit hindi?” patuloy ni Sotto.

Kaugnay nito, nanindigan si Sotto na wala talagang plano na ihalal si Legarda bilang Pangulo ng Senado.



“So hindi exactly term-sharing yan. We plan to elect her as the first woman Senate president after the 2027 budget. In other words, sa 2028, bago matapos ang term niya,” diin ni Sotto.

“‘Yan ang plano. So it’s not really term-sharing. Kasi kung term-sharing 1.5-1.5 years tayo or 1 year tayo. Hindi naman exactly. Medyo hindi yan ang tamang term. Ang tamang term is we plan to make her Senate president towards the end of her term, end of 20th Congress,” dagdag niya.

Matatandaang si Legarda ang nag-adjourn sa sesyon ng Senado noong Miyerkules kung saan tinawag siyang “Madame President” ni Senate Majority Leader Sen. Migz Zubiri. (Mylene Alfonso)