Advertisers

Advertisers

“ECEAN OF THE CRESCENT REALM” NI MANU RESPALL YAYANIGIN ANG MUNDO NG TELEBISYON

0 381

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Larger-than-life visual artist si Manu Respall na nasa larangan ng pag-arte (napanood siya sa Topakk na pelikula ni Arjo Atayde at Totoy Bato), sayaw, pagsusulat, pagpo-produce at pagiging direktor.

Mapangahas, monumental, nakakalula, ambisyoso nguni’t makatotohanan ang binubuong proyekto ni Manu, ang “Ecean of the Crescent Realm.”

Isasalin bilang isang TV series, full speed ahead ang pananaliksik, pagde-develop at paghahanap ng mga posibleng sponsors at financiers para sa masasabing masterpiece ni Manu na nakalatag para sa pagpapalabas nito hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Disisiyete anyos pa lamang si Manu ay nasa sistema na niya ang “Ashology of Therra” na buung-buo naging parte ng kanyang buhay.

Ang salitang “ashology” na si Manu mismo ang nakaisip ay nangangahulugan ng “art saves humanity” o “the study of how art will save humanity.”

Kaya sa mabubuong serye ay ito mismo ang sakop ng kabuuuan ng kuwento.

Ayon pa rin kay Manu, si Ecean ang bidang lalaking karakter sa istorya habang ang kakambal naman niyang babae, si Naia, ang magiging bidang babae.

May mangingibig si Naia, si Salunar, isang guwapong nilalang na isusumpa ng isang babae.

Kaya ang magsisilbing love theme nina Naia at Salunar ay ay pinamagatang Beautiful Monster na maging bahagi rin ng theme song ng serye.

Samantala, si Ecean ay isang ekspertong mandirigma at Prinsipe ng kaharian ng Ellidaurr.

Ang Therra ay pinamumugaran ng libo-libong iba-ibang uri ng nilalang at lahi tulad ng Stahl, Xybereons at Nuwarrakarri.

Lahad ni Manu, “Kung ano man ang nangyayari o ginagawa mo sa Earth ay ganoon rin sa Therra, kapareho rin ang mga nangyayari at ginagawa ng bawat isa.

“So, kapag may gulo sa Earth, may gulo sa Therra.”

Sa tanong kung anong klaseng mga nilikha ang naninirahan sa Therra…

“Walang tao po dun. Lahat sila elemental,” pakli ni Manu. “May nag-iisang tao pero i-reveal natin yan in a very beautiful way.”

Ayon pa rin kay Manu, ang nag-iisang tao na iyon sa Therra ay isang 80-year-old na babae na nagngangalang Alys na sa kalaunan ng kuwento ay ihahayag kung paano siya nakarating sa mundo ng Therra.

Ang iba pang mga nilalang sa Therra ay mag-aanyong humanoids, may hugis at itsura ng ordinaryong mortal upang maging relatable, at ang istorya ay hahaluan rin ng tungkol sa pag-ibig, trahedya, at pulitika at may temang tungkol sa kalikasan, pag-ikot ng panahon, at ispiritwal.

Samantala, if the stars aligns, so to speak, ang magiging cast members ng “Ecean of the Crescent Realm” na maituturing na isang sci-fi, high fantasy epic series ay kinabibilangan nina Marita Zobel, Elizabeth Oropesa, Angel Aquino, Raymond Bagatsing, Nadine Lustre, Gold Aceron, Mon Confiado at Maricel Soriano.

Target date ni Manu na matapos ang kanyang obra maestra sa unang quarter ng taong 2027 at bubuuin ito ng limang seasons na bawat season ay may sampung episodes.

Nakamamangha ang mga visuals, sound at awitin na ipinamalas sa amin ni Manu, tunay na world-class at kung matutuloy ay first sa Philippine TV industry.

Alam ni Manu na tila suntok sa buwan ang kanyang gagawin pero naniniwala rin siya na sinuman ay may karapatang mangarap at isakatuparan ang kanyang pangarap.

“I call this nga the impossible project,” bulalas pa ani Manu na hindi lamang writer at direktor ng serye kundi mapapanood rin siya dito bilang artista.

Bukas si Manu sa sinumang may kakayahan na suportahan at pondohan ang kanyang proyekto, at ilan sa ngayon pa lamang ay katuwang na niya ay ang Glitch (para sa visual content) at ang Waxified Sound Production para sa tunog at mga awitin.